Hinangaan Ang Isang Lalaki Na Proud Sa Kanyang Trabaho Bilang Isang Janitor Sa Isang Ospital



Sa pinagdaraanan ng ating bansa ngayon laban sa Covid-19, marami sa ating mga kababayan ang patuloy ang nagtatrabaho dahil kinakailangan. Kahit na mapanganib ang sak!t na ito, kahanga-hanga talaga ang serbisyong ibinibigay ng ating mga tinatawag na "Frontliners."

Kung iisipin, hindi lamang mga doktor, nurses, at health workers ang nasa panganib ang kanilang kalusugan habang nilalabanan natin ang sak!t na ito. Sa katunayan, ang mga pulis, sundalo, government officials, security guards, workers sa food production, bankers, at janitors ay kabilang rin sa mga tinawag na frontliners.

At kung hindi dahil sa kanilang serbisyo ay paano na lamang tayong mamamayan.

Katulad na lamang ng isang employee na si Carl Vien Ogatis Tibang na ipinagmamalaki ang kanyang trabaho bilang isang janitor sa isang ospital sa Marikina City. Araw-araw ay kailangan niyang iwan ang kanyang pamilya at sumabak sa trabaho upang mapanatili ang kalinisan sa kanyang pinapasukang ospital.

Hindi man propesyunal ang tawag sa kanyang trabaho ay proud na proud naman siya rito lalo na't kasama siya sa mga tinatawag na "Frontliners" sa panahon ng crisis na ating pinagdadaanan ngayon.

Wika niya sa kanyang post,

"Hindi po ako doctor
hindi rin po nurse
I am just a janitor but proud to be part of they call
"PRONTLINER"

Makikita sa kanyang mga larawan na ibinahagi na maging siya ay nakasuot rin ng personal protective equipment o PPE upang maprotektahan ang kanyang sarili laban sa virus lalo na't mapanganib rin ang kanyang trabaho na naglilinis at nagdidisinfect ng ospital.

Samantala, agad naman itong nagviral at pinuri siya ng mga netizens dahil sa kanyang serbisyong inihahatid sa publiko. Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

"Maraming salamat kuya! Napakaimportante ng trabaho mo."

"IDOL ka na po ng buong pamilya ko. Stay safe, please. Delikado ang nature ng trabaho mo. We will pray for you."

"Mabuhay ka kuya at sa lahat ng mga frontliners na walang sawang tumutulong."

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!