Ibinahagi ng Isang Netizen ang Litrato Noong Unang Panahon na Abot-Kaya pa ang Bigas sa Pilipinas! Murang-mura Pa ang Price per Kilo Noon!







Isa sa mga pangunahing problema ng ating mga magsasaka ay ang mababang presyo ng mga inaani nilang mga gulay o palay kapag binenta na nila ang mga ito. 

Kung tutuusin, napakamahal na ng mga bilihin ngayon ngunit binabarat sila ng mga binabagsakan nila ng ani kung kaya ang ilang buwan nilang paghihirap ay barya na lamang ang nagiging katumbas. 

Kung noon ay sapat ang bigas para sa ating mga mamamayan, ngayon ay kailangan na rin nating mag-angkat nito mula sa ibang mga bansa kaya ang presyo ay talagang masakit na sa bulsa.

Isang litrato ang nagsilbing pagbabalik tanaw sa mas maluwag na pamumuhay noon ng ating bansa ang ibinahagi ni Refil Baltazar sa kanyang Facebook account. 




Sa nasabing litrato ay may isang babaeng nakatayo sa tabi ng kanyang tindahan kung saan makikita na 1.90 pesos lamang ang isang kilo ng bigas noon. 


Ang slogan na nakasulat sa ilalim ng sign board sa tapat mismo ng tindahan na nagsasabing "Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan" ay nagpapahiwatig na kuha ito noong mga panahong ang dating presidente na si Ferdinand E. Marcos pa ang namumuno sa ating bansa. 

Mapapansin ring nakasaad roon na ang ahensya na responsable pa noon sa seguridad ng pagkain ay ang National Grains Authority (NGA). 




Marami ang nagulat sa presyo ng bigas dati kumpara ngayon kung saan 40 pesos pataas na ang kada kilo nito. Ayon sa isang komento sa nasabing post, mataas pa rin kung tutuusin ang 1.90 pesos kada kilo dahil noong mga panahong iyon ay karaniwang 1.10 pesos lamang iyon. 


Nakakalungkot na ang piso ay isang kendi na lamang ang halaga ngayon samantalang noon ay napakamura lamang ng mga basic na kailangan ng tao sa araw-araw kagaya na lamang nga ng pagkain. May nagsabi rin na higit pa sa sapat ang naaaning bigas ng ating mga magsasaka noon para makakain ang lahat, kaya nagpapadala rin ang bansa natin nito sa mga iba't-ibang bansa at natigil lamang ito pagkaraan ng taong 1986.


Ayon sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority nitong ika-7 ng Pebrero taong 2020, ang wholesale na presyo ng well-milled na bigas ay 37.01 pesos kada kilo at ito ay ibinebenta ng 41.30 pesos kada kilo sa mga tindahan. 

Ang wholesale na presyo naman ng mga regular-milled na bigas ay 32.96 pesos kada kilo at ibinebenta ito ng 36.44 pesos kada kilo. 


Ang napakalaking diperensya ng mga presyong ito kumpara dati ay ang mismong nagtutulak sa karamihan ng ating mga kababayan upang dumiskarte sa buhay sa kung anu-anong paraan para lamang makakain sa araw-araw.

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!