Imbes na Holy Water ay Rubbing Alcohol na Lamang ang Ilalagay sa Entrada ng Isang Simbahan sa Legazpi Upang Makaiwas sa Covid-19




Ipinatupad ang Community Quarantine sa ilang lalawigan ng Pilipinas upang makaiwas sa Covid-19 kung saan suspendido lahat ng klase at ang ilang mga establishments naman ay pinayuhan na mag-sara na lamang muna upang makaiwas sa virus. Kasabay nito ay pinayuhan rin ang ilang mga simbahan na kung maaari ay huwag na munang mag-misa upang makaiwas sa Mass gatherings na maaaring maging sanhi ng pagkalat ng virus.


Alinsunod sa payong ito, may iilang mga simbahan na bukas pa rin ang kanilang mga pintuan para sa mga publiko na nais magdasal sa simbahan.




Kaya naman upang makatulong sa pag-iwas sa spread of infection, naisip ng isang simbahan ang Diocese of Legazpi sa Legazpi City, Albay sa Bicol Region na imbes na Holy Water ang ilalagay nila sa mga bukana ng kanilang simbahan ay Rubbing Alcohol na lamang ang kanilang ilalagay dito.



Maglalagay na lamang sila ng mga Alcohol Dispenser sa mga entrada ng simbahan upang ma-disinfect ang mga kamay ng mga taong papasok dito.





Bilang proteksyon sa Virus, ang lahat ng papasok sa simbahan na ito ay kinakailangan maglagay ng Alcohol sa kamay kung nais nilang pumasok sa loob at mangumpisal.

Ayon kay Bishop Joel Baylon ng Diocese of Legazpi, ang tanging makakatulong rin ngayon sa panahon ng sakuna na ito ay ang kaniyang tinatawag na 3P’s. 


Ang 3Ps na ito ay ang Prayer, Precaution at do not Panic kung saan pinayuhan rin niya ang mga tao na magdasal na nawa’y matapos ang Pandemic na ito at mailagay na sa safety ang bawat tao.


Patuloy pa din ang kanilang pagdasal sa mga Frontline Health workers at iba pang mga empleyado na tumutulong labanan ang Covid-19. 


Nawa’y maging maingat ang lahat upang hindi na kumalat ang virus. Ang nais ng mga Frontline Health Workers ngayon ay mapabagal ang spread at ma-cut na ang chain of infection dahil sakali man na tumaas ang bilang ng mga positibo sa virus ay mahihirapan sila na aksyunan ito at i-accommodate dahil iilan lamang ang ating health facility at health workers.

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa