Ipinakita ni Solen Heusaff ang Itsura ng Kaniyang C-Section Scar Matapos ang Nakaraang Dalawang Buwan Mula ng Nanganak Ito




Ang pagbubuntis ay hindi madali para sa sino mang babae ngunit ang panganganak ay di hamak na mas mahirap. Ang prosesong ito ay hindi lamang basta-basta at ang buhay ng mag-ina ang nakasalalay, kaya naman buong ingat itong isinasagawa sa mga ospital at klinika. 

Ang karaniwang paraan ng panganganak ay ang tinatawag na normal delivery. Samantala, hindi lahat ng mga nanay ay nasa kondisyon ang katawan para sa normal na panganganak kaya naman kailangan nilang sumailalim sa cesarian section. Ang paraan na ito ay mas komplikado kumpara sa normal delivery dahil kailangang hiwain ang tiyan ng buntis para mailabas ang baby at ganitong-ganito mismo ang pinagdaanan ng first-time mom na si Solenn Heussaff noong January 1, 2020.


Nitong nakaraang taon ay inanunsyo ng mag-asawang Solenn at Nico Bolzico ang pagdadalang-tao ni Solenn at sa unang araw mismo ng taong 2020 ay naipanganak na nito ang kanilang panganay. Isang baby girl ang kanilang anak at pinangalanan nila ito ng Thylane Katana. 


Dalawang buwan na mula ng kaganapang iyon at nitong nakaraan lamang ay ibinahagi ni Solenn sa kanyang Instagram ang litrato ng kanyang tiyan kung saan makikita ang pilat mula sa kanyang cesarian section na panganganak. 




Ayon rito, nauwi sila sa CS dahil humina ang tibok ng puso ng kanyang baby at hindi pa rin sapat ang pagkakabuka ng kanyang cervix kahit pa tatlong beses na siyang na-induce habang nagle-labor. Hindi na nila nais na ipagsapalaran ang buhay nilang mag-ina kapag pinatagal pa nila ang paghihintay kaya naman isinagawa na ang operasyon.


Sa nasabing litrato ay makikita na ang hiwa sa kanyang tiyan ah pahalang, ito ay ang tinatawag na bikini cut dahil nasa bandang ibabang bahagi ng puson ito at hindi karaniwang makikita kahit pa magsuot ng two-piece bathing suit sa beach. 

Ang sugat ni Solenn ay mukhang gumagaling rin nang maayos at ilang buwan pa ay tuluyan na itong maghihilom. Matapos ang 2 buwan mula nang siya'y manganak ay unti-unti na rin siyang bumabalik sa pag-e-ehersisyo, gayunman ay maingat ito upang hindi mabigla ang kanyang katawan at mabinat. 




Sa ngayon raw ay nakakapag-uphill walking o biking na ito at sa susunod na buwan naman ay dadagdagan nito iyon ng light squats at mas mahabang session sa bike. 


Sa kanyang ika-4 na buwan naman ay magsisimula na rin itong mag-boxing at dahan-dahang tatrabahuhin ang kanyang abs. Sanay naman ang aktres sa pagwo-work out kaya hindi problema ang pagbabalik ehersisyo para dito, mainam rin ito para sa kanyang kalusugan basta't alinsunod ang kanyang gagawin sa payo ng kanyang OB-Gyne.

Comments

Popular posts from this blog

Grab Food Rider Kinain Na Lamang Ang Di Binayaran At Kinanselang Order Ng Kanyang Customer

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Matandang Lalaki, Inakalang Pulubi ng Isang Pawnshop Ngunit Ito Pala ay Nagpapadala ng Pera Para sa Anak!