Ipon Challenge Itinuro ng Isang Guro sa Kaniyang mga Grade 3 Students




Mahalaga ang pera para sa ating pangaraw-araw na pangangailangan at isa ito sa mga dahilan kung bakit pinaghuhusayan natin ang bawat trabaho na ating pinagkakakitaan. Maraming tao ang may alam ng bagay na ito ngunit kakaunti lang sa kanila ang nakakaalam kung papaano ito pahahalagahan. Kadalasan kasi ay nagiging mentalidad ng ilan sa atin ang salitang "bahala na" at ginagawa ang anumang gusto ng hindi pinag-iisipan ng maayos. Ika nga nila, walang maayos na ipon para sa kinabukasan.

Kaya naman, mainam na maituro kaagad sa mga bata ang kahalagahan ng bagay na ito upang nang sa ganoon ay alam nila kung papaano ito gagamitin sa mga panahong sila naman ang kumikita. 

Sa kabutihang palad ay parami na rin ng parami ang mga magulang at guro na gumagawa ng ganitong aksiyon. Kabilang na dito si Teacher Jeanne B. Olavire na kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media matapos niyang ibahagi ang mga masunurin niyang estudyante sa ikatlong-baitang.




Sa Facebook page na CFO PESO SENSE ay makikita ang ilang larawan ng mga bata na masayang ipinapakita ang gawa nilang alkansiya mula sa mga recycled materials kagaya ng karton at plastic. 


Ito ay parte ng kanilang leksyon patungkol sa "tamang pagsunod sa patuno" at mukha ngang lahat ng estudyante ay nagawa ito ng maayos. Ganoon pa man, hindi dito tumigil ang guro mula sa Roosevelt Elementary School sa San Vicente, Gumaca, Quezon. 

Ginawa niya itong oportunidad upang maturuan ang mga bata kung papaano makapag-ipon ng pera mula sa kanilang mga baon. Ibinahagi niya rin sa mga ito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ipon na maari nilang magamit sa kinabukasan para sa mga bagay na mas mahalaga.



Nagulat ang guro dahil halos lahat sa kaniyang mga estudyante ay naki-isa sa plano at kahit na barya ang baon ng mga ito ay talaga namang naglalaan sila ng pera na maihuhulog sa alkansiya. Makalipas ang ilang buwan ay binuksan na nila ang alkansiya para may maibili ng regalo para sa sarili sa pagtatapos ng klase. 



Ang pinaka-malaking nalikom ng isang estudyante ay halos umabot sa 200 pesos. Hindi man ito ganoon kalaki kumpara sa ibang nag-iipon ngunit para sa mga bata ay malaking bagay na ito dahil nakita nila ang bunga ng disiplina na itinuro ng kanilang guro.



Tunay ngang kapag mayroon tayong isinuksok ay mayroon din tayong madudukot at ang kakaunting pera na ating itinatabi ay lalago at magiging marami sa paglipas ng panahon.

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese