Isang Taxi Driver, may Kakaibang Protective Gear sa Loob ng Taxi Upang Makaiwas sa Direct Contact ng Covid-19






Matapos magkaroon ng Community Quarantine ang Metro Manila na nagsimula noong March 15, 2020 ay sunod-sunod rin na nagkaroon ng quarantine ang ilang mga lugar at provinces sa Pilipinas upang mas maka-iwas at hindi na dumami pa ang mga kaso ng Corona Virus Disease sa bansa.

Dahil dito nagkaroon ng Corona Virus Scare kung saan halos lahat ng mga tao ay nagpanic buying dahil isang buwan rin ang suspension na idinekrala ng gobyerno.



Sa kabilang banda naman ay patuloy pa rin ang pagpasok ng mga empleyado ng ilang mga kumpanya sa Metro Manila at sa ibang lugar kahit na nasa Code Red SubLevel 2 na ang bansa. Ang ilan ay kusang pumapasok pa rin dahil kinakailangan nilang magtrabaho upang mayroon silang ipapakain sa kanilang mga pamilya.

Kaya naman marami ang natuwa sa ideya ng isang Taxi Driver na ito sa Cagayan de Oro upang makaiwas sa Corona Virus.



Dahil sa shortage ng facemask sa bansa ay nakaisip si Manong ng isang paraan upang hindi siya dapuan ng nakakahawang virus. Pinalibutan niya ng plastic sheet ang driver’s seat ng kaniyang sasakyan upang kahit mayroong umubo ay protektado ito.

Ginamitan niya ito ng makapal at clear plastic sheet kung saan sarado ang kaniyang kinauupuan mula sa ceiling ng kaniyang taxi hanggang sa baba ng kaniyang upuan.


Sa paraan ngang ito ay makakaiwas siya sa mga pasahero sakali man na umubo ang mga ito dahil walang makakapasok na droplets ng laway na direkta sa kaniyang upuan.


Upang maging kumpleto ang kaniyang protective gear ay nagsuot rin ito ng gloves para protektado ang kaniyang mga kamay at hindi na kailangan gumamit pa ng alcohol.


Dahil nais ni Manong na magtrabaho pa rin upang may ipakain sa kaniyang pamilya marami ang natuwa sa kaniyang ideya kontra sa direct contact upang hindi mahawa ng virus.



Pinayuhan ang lahat na kung maaari ay mag-stay na lamang sa kani-kanilang mga bahay upang hindi na dumami pa ang kaso ng Covid-19.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa