Isang Vlogger ang Namigay ng mga Libreng Alcohol, Masks at Sanitizers sa mga Frontliners, Mahihirap at Matatanda




Isa nanamang extranghero ang kamakailan ay pinag usapan sa Social Media matapos niyang mag abot ng tulong sa mga kapwa nating mga Pinoy ng walang kapalit. 

Si Basel Manadil o kilalang vlogger sa pangalan na Hungry Syrian Wanderer ay nag-abot ng kaniyang tulong sa ating mga kababayan na matatanda, hospital staffs at sa mga homeless people sa daan kamakailan. 


Base sa kaniyang Facebook post, isang buwan niyang inantay na dumating ang mga Alcohol, hand sanitizers at facemasks na inorder niya pa sa ibang bansa bago pa man magkaroon ng Community Quarantine ang bansa. 




Ang layunin nito ay ipamahagi sa kapwa niyang mga Pinoy ang mga hygiene kit na ito lalong lalo na sa mga taong mahihirap at sa mga nasa home for the aged na mga matatanda dahil mas prone ang mga ito sa virus. 


“Wag po tayong maging madamot at magtambak ng mga sanitizers dahil ang mga hindi magkakaroon ay maaari pa ring magdulot na ikaw ay mahawahan kahit ilang bote pa ang meron po kayo. At para sa mga re-sellers na x10 ang presyo, wag po tayo mag take-advantage.”




Sa katunayan may magandang mensahe ito sa mga resellers na nag ooverpricing at pera lamang ang iniisip. 

“Walang silbi ang perang kikitain po ninyo kung tayong lahat ay maapektuhan sa huli. We are better than this guys, PREVENTION IS THE KEY gaya ng pinauso ng iba na ‘pm is the key’.” 



Hindi daw ito sponsored at mas lalong hindi ito nag-hoard dahil kinuha niya ang mga ito at nag pre-order siya sa isang warehouse sa ibang bansa na sagana pa noon sa supplies. 



“Ako po ay nagsumikap na makakuha ng supply ng mga hand sanitzers, alcohol at mga masks [na galing pang aborad na hinintay ko buwan] para ma-donate sa mga pampublikong hospital staff, home for the aged, mga matatanda na prioridad, mga homeless, simpleng mamamayan at mga tao sa kalsada na walang budget sa pagkain sa pang hygiene pa po kaya.” 


Hindi rin raw ito pagmamayabang dahil ang purpose nito ay magbigay ng positivity sa pamamaraan ng donasyon upang makacontribute ito sa Pilipinas. 





Nawa’y matigil na ang negativity sa mga netizens na walang alam kung hindi ang magreklamo. Ang maitutulong natin sa ngayon ay ang pagpapanatili sa ating mga bahay upang hindi na pa kumalat ang virus nang sa ganon ay hindi mahirapan ang ating mga Frontline Health Workers sa pagseserbisyo sa mga pasyente. 

Let us all unite and Pray!

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa