"I've swallowed all my pride and took the chance to earn more", Ito ang Naging Pananaw ng Isang Teacher na Naging Waiter na Lamang sa Abroad




"Mag-aral kang mabuti upang balang-araw ay magiging maganda ang iyong buhay kapag nakapagtapos ka ng magandang kurso sa kolehiyo." Ganito ang kadalasang naririnig natin sa mga nakatatanda at hindi rin naman sila mali. Malaking tulong ang edukasyon sa paghubog ng magandang kinabukasan ngunit minsan may mga hindi inaasahang pangyayari sa ating buhay ang siyang nagdadala sa atin sa pangarap nating destinasyon. 

Isang halimbawa na nga dito ang buhay ng isang guro na si JM Papa. Sa kaniyang social media account ay ibinahagi niya kung gaano siya nagsumikap sa pag-aaral para matupad ang kaniyang mga pangarap. Sa pamamagitan nga ng pagiging isang iskolar ay nakapagtapos siya sa De La Salle University-DasmariƱas at nagkaroon ng degree sa Secondary Education major in English. 


Naging maganda ang takbo ng lahat at maari na siyang makapagturo bilang isang guro ngunit napa-isip si JM at mas nanaig sa kaniya ang pangarap para sa buong pamilya hindi lang para sa sarili. Kaya naman, nagdesisyon siyang mag-abroad at nakapagtrabaho bilang isang waiter sa kilalang restaurant sa Kuwait. 


Noong una ay nawala ang kumpiyansa niya sa sarili dahil hindi siya halos mapromote sa mas mataas na posisyon kahit na anong sipag at galing niya sa trabaho. Umabot din sa pagkakataon na pati mga kaibigan niya ay nagtanong sa kaniyang naging desisyon. 



"From a high-achieving individual to a waiter. I never imagined this thing to happened and I questioned my decision just like what my co-workers did. I almost totally lost my self-confidence but then I came into my senses and remembered that I'm not just for my dream for my whole family’s dream.", pagbabahagi ni JM. 


Nagtagal nga siya sa kaniyang trabaho at nakapagpatayo ng kanilang dream house sa isang subdivision dahil mahigit doble ang sinasahod niya kumpara sa pagiging isang guro sa Pilipinas. Maliban dito ay nagkaroon din siya ng lakas ng loob na maghanap ng iba pang trabaho at sa wakas ay natanggap bilang isang Human Resource Coordinator sa isang prestihiyosong construction company sa Kuwait. 




"It’s not bad at all to sometimes to swallow your pride for your dreams.", dagdag pa ni JM. 

Talaga namang mayroong mga pagkakataon na kailangan nating kalimutan ang mga bagay na nakasanayan na upang nang sa ganoon ay makita natin ang mas magandang bukas na nakalaan para sa atin.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera