Kapatid na Lalaki, Nakipagpalit ng Palda sa Kaniyang Kapatid na Babae Upang Makapag-Exam Ito!




Isang lalaki mula sa Cebu ang nakipagpalit ng palda mula sa kaniyang kapatid na babae upang ito ay makapag exam. Dahil kailangan ng tamang attire sa eskwelahan nap ag eexaman nito. Maraming mga netizens ang pumuri sa lalaki. Maraming mga lalaki din na netizens ang nagsabi na ito ay kanila ding gagawin sakaling ganito ang mangyayari sa kanilang kapatid na babae.

Sa isang facebook post mula kay Jann Christian Bungcaras na 25 years olf mula sa Cebu ang nangulat sa mga netizens matapos niyang ibahagi ang kaniyang post na suot suot niya ang palda ng kaniyang kapatid na babae na si Jea na mag eexam sa isang eskwelahan. Napag alaman kasi na ang suot ni Jea na dilaw na palda ay masyadong maiksi at hindi pasado sa dress code ng nasabing eskwelahan. Bilang solusyon, nakipagpalit si Jann sa kaniyang kapatid at ipinahiram ang kaniyang itim na pantalon upang makapag exam lang ito.





Ayon sa isang interview, sinabi ni Jann na parehas silang pumunta ng kapatid sa eskwelahan at naisip nab aka ang mga naka shorts lang ang bawal mag exam ngunit hindi pala. Ang exam ni Jea ay naka schedule ng 8 ng umaga at dumating ang magkapatid ng 7:40. Sa kanilang pagdating ay pinigilan sila ng security guard na makapasok sa loob.

Nakipagusap ang dalawa ngunit talagang strikto ang unibersidad sa nasabing dress code. Nang mapagalaman ni Jann na a ng kaniyang kapatid ay kailangang naasa loob na ng room ng 7:50 nakaisip ito ng idea. Ninais din ni Jann na makipagpalit dahil sa sobrang pagmamahal nito sa kapatid.

Comments

Popular posts from this blog

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Mabait Na Security Guard Tinulungan Ang Isang Bata Na Nakatulog Sa Kalsada

Lalamove Rider Na May Sira-Sirang Sapatos Binigyan Ng Sapatos Ng Kanyang Customer

Isang Matandang Lalaki na Naninirahan sa Isang Kahon, Umantig ang Kwento sa Mga Netizens