Kumpanya Nagbigay Ng Grocery Supplies At 1 Buwang Financial Assistance Sa Kanilang Mga Empleyado


Maraming Pinoy ang nangangamba sa kasalukuyang nararanasan ng ating mundo, ang CoVid-19. Dahil sa ginawang enhanced community quarantine ay maraming empleyado ang nababahala dahil bukod sa nililimatahan ang paglabas sa mga bahay wala silang sapat na pera para pambili ng mga pangangailangan sa bahay.

Kaya naman bilang tulong ng ilang mga kumpanya sa kanilang mga empleyado ay nagbigay sila ng advance na sahod upang matiyak na mayroon silang sapat na pera pambili ng mga pagkain at iba pang kailangan sa panahon ng lockdown.

Labis naman na hinangaan ang isang kumpanya na ito na Ezential Corporation na namamahala sa brand na Red Juice dahil sa malasakit nito sa kanilang mga empleyado. 

Naglabas sila ng memorandum na pansamantalang pinapatigil muna ang mga office activities at  nakasaad rin dito ang mga benepisyong matatanggap ng mga empleyado sa panahong nasa enhanced community quarantine ang buong Luzon.

Habang ang kanilang mga empleyado ay naka-stay at home, narito ang assistance na hatid sa kanilang ng kanilang employer.

  • 1 monthy supply of basic grocery items such as canned goods and instant noodles
  • 1 bag of rice (25kg)
  • 2 cutoffs Advanced Salary for every regular employees and 1 cut-off for every newly hired employees
  • Php8,000 COVID-19 cash assistance for regular employees and 4,000 for newly hired employees
  • Php10,000 cash advance- for salary deduction starting on May 15, 2020 which will deduct P500 per cutoff, zero interes
  • Php1,000 hazard pay for every event that requires attendance
  • Php7,000 vacation allowance for every regular employees; however, 90% of attendance from January to March 15 is required to qualify
  • Additional Php15, 000 medical assistance for those who have not yet availed their previous privilege.

Paalala rin ng management na magsasagawa rin sila ng mga surprise visits sa mga bahay-bahay upang matiyak na talagang sumusunod sa community quarantine ang kanilang mga empleyado. At kung sakali mang kailangan nilang lumabas ng bahay upang bumili ng supplies ay dapat na ipaalam ito sa kanilang mga supervisors.

Wika ng ilang netizens, "Sana all!"

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!