Lalaki Na Taga Palawan, Gumawa Ng Mga Face Shield Pang Proteksyon Sa CoVid Gamit Lamang Ang Mga Lumang Plastic Bottles


Dahil nagkakaubusan na ang mga supply ng face masks at alcoh0l, maging ang ating mga frontline workers ay wala ng mabili. Kung sino pa ang mas nangangailangan sa mga ito, sila pa ang wala ng magamit.

Makikita na ang ilan sa ating mga kababayan ay gumagawa na lamang ng kanilang sariling mga protective equipment upang maproteksyunan ang kanilang sarili laban sa CoVid.

Ang local eco-artist na ito na si JC Enon na taga Palawan ay nagdisenyo ng kanyang sariling personal protective equipment para sa mga health workers at iba pang frontliners. 

Ibinahagi niya sa kanyang Youtube channel kung papaano niya ginawa ang face shield na kung saan gumagamit siya ng lumang bote ng softdrinks. Ang nakakatuwa pa rito sa proyektong kanyang ginawa ay hindi lamang siya nakatulong upang maprotektahan ang sarili laban sa v!rus kundi makakatulong pa siya sa ating kapaligiran sa pamamagitan ng pagrerecycle ng mga lumang bote.

Sa instructional video, maaaring gamitin ang 1.5L transparent na bote ng softdrinks. TIyaking malinis muna ito bago gamitin. Pwede ring gumamit ng acetate kung sakali. Narito ang ilan pang mga kailangan: double sided tape, gunting, garter, puncher at thermal foam.

Sa pagsisimula ay ginupit niya ang lumang bote  at tinanggal ang taas at babang parte nito. I-trim ang mga matatalim na dulo upang hindi masugat. I-puncher ang magkabilang dulo ng plastic bottle. 

Kunin ang thermal foam at ilagay ito sa dulong bahagi ng bote gamit ang double sided tape. Magtali ng garter sa binutasang parte. Maaari rin daw lagyan ng pangalan ang itaas na bahagi ng face shield upang hindi magkapalitan sa iba,

Kasama ang kanyang Junior Chamber International Puerto Princesa Oil chapter ay gumagawa sila ng mga face shields bilang donasyon sa mga healthcare workers at frontliners.

Ang kanyang Face Shield Project ay tiyak na marami ang matutulungan kung kaya't kasama ang Philippine Red Cross Palawan Chapter, Provincial Disaster Risk Reduction Management Office at kanyang proyekto na Moto in Can ay nagsanib pwersa sa produksyon at distribusyon ng mga personal protective equipment sa mga offices at clinics na nangangailangan ng mga ito.

Noong March 17, naitala ng PRC Palawan na nakagawa sila ng 1,489 suma-total na face shields at na bigyan ang 21 na frontline agencies.

Maraming healthworkers ang na-inspire rin sa proyektong ito ni JC kung kaya't nabigyan sila ng ideya kung paano gumawa ng kanilang sariling protective equipment bilang pamprotekta sa CoVid-19.

Comments

Popular posts from this blog

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya