Lalaking May Pangalan na Cero Cero Tres, Nag-Viral sa Social Media Dahil sa Kakaibang Pangalan!




Nagkaroon kamakailan ng kakaibang contest ang Casera Pizza na isang sikat na Pizzeria sa Merida, Mexico. Sa patimpalak na ito, makakakuha ng premyo ang taong may pinaka-naiibang pangalan sa lahat. Si Cero Cero Tres (Zero Zero Three – 003) ang itinanghal na panalo at agad din itong naging online sensation matapos kaaliwan ng maraming netizens at mga tao sa social media ang kaniyang pangalan.

May dahilan sa likod ng bawat pangalan gaano man ito kasimple o gaano man ito naiiba kaya naman naging usap usapan kamakailan ang pangalan ng isang lalaki mula sa Mexico. Ang tanong ng marami ay kung bakit kaya ito mayroong numero na pangalan. Sa patimpalak na ito, nakakuha ng premyo ang taong may pinaka kakaibang pangalan sa lahat. Maraming sumali na mayroong naiibang pangalan katulad ng Vercingetoriz, Nivea, Bahtzibadi at iba pa pero isa lamang ang nakakuha ng pinakamaraming atensyon at ito ay si Cero Cero Tres na ang buong pangalan ay Cero Cero Tres Miller Santos Chable.




Bukod sa nanalo ito ng dalawang large pepperoni pizza na may halagang $49, naging instant online sensation din ito dahil sa kaniyang pangalan. Maraming ang nagtatanong at nagtataka kung ano ang naisip ng kaniyang mga magulang at iyon ang binigay na pangalan sa kaniya. Ayon kay Cero Cero Tres, dahil siya ang ikatlong anak naisipan ng kaniyang magulang na pangalananan siyang 003. 

Ngunit hindi pinayagan ang figures upang gawing pangalan kaya naman pinalitan ito ng mga salita.
Noong 2011, nabanggit ng Mexican Civil Resgistry Director na si Fermin Garcia na ang Cero Cero Tres ay isa sa pinakakakaibang pangalan sa kanilang records. Hindi naman ikinahihiya ni Cero Cero ang kaniyang pangalan. Dahil daw dito mas marami daw siyang naging kaibigan at ito ay ang kaniyang naging marka sa mundo. 

Comments

Popular posts from this blog

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!