Lalamove Rider Na May Sira-Sirang Sapatos Binigyan Ng Sapatos Ng Kanyang Customer



Ibinahagi ng netizen na si Rachel Julian sa kanyang Facebook account ang isang Lalamove rider na nakita niyang may suot na sira-sirang sapatos. 

Ilang oras bago nakapag-book si Rachel sa iba't ibang apps upang makahanap ng rider na magdadala ng inorder niyang cat food para sa alagang pusa ng kanyang boyfriend na taga Caloocan. Dahil taga Pansol, Quezon City siya nakatira at naka-enhanced community quarantine, medyo nahirapan siyang makahanap ng magdadala ng cat food dahil wala di umanong nag-aaccept ng kanyang booking.

Hanggang sa ilang try ay may tumanggap na ring isang Lalamove rider na handang pumick-up sa kanyang package upang maideliver ito sa kanyang nobyo sa Caloocan. 
Kwento niya,

"Nag order ako ng cat food para sa alaga namin parehas, actually kahapon pa to nadeliver. Since nakaquarantine buong Metro Manila, di naman namin alam parehas ni Gab pano ko mabibigay sa kaniya yung food ni Zac lalo na walang stock si Zac. Nag try kami mag book sa iba't ibang app. Ilang oras na, walang tumatanggap. Until sa Lalamove after ilang try may tumanggap pick up sa Pansol then deliver sa Caloocan.

Isang Reynaldo Manlapaz na rider ng Lalamove ang dumating sa kaniyang bahay. At noong pipick-upin na nito ang package na kanyang ipinapadeliver ay napansin ni Rachel ang suot na sira-sirang sapatos ni Kuya rider.

Nalungkot si Rachel sa kanyang nakita ngunit hinangaan naman niya ito dahil sa kanyang determinasyon na magtrabaho kahit na sira-sira na ang kanyang sapin sa paa. Noong nakaalis na ang rider ay chinat niya ang kanyang nobyo at sinabi ang kanyang nakita.

Nagpasya ang kanyang boyfriend na bigyan ng bagong sapatos ang rider pagkadating nito sa kanyang bahay. 

At noong nakarating ang package sa Caloocan ay sinurpresa ni Gab si Kuya rider ng kanyang dating pares ng Adidas na sapatos na hindi naman niya gaanong nagamit at wala pang isang taon noong ito'y kanyang nabili. Noong sinukat niya ito ay saktong sakto sa kanyang paa. 

Laking pasasalamat ng rider dahil sa wakas ay mapapalitan na ang kanyang nagkasira-sirang sapatos at hindi na rin siya mahihirapan habang nagmamaneho ng motor.

Nagpasalamat rin ang magnobyo dahil kung hindi dahil kay Kuya ay hindi makakadating ang cat food para sa alaga nilang pusa.

Samantala, nag-iwan rin ng mensahe ang anak ng rider sa magnobyo at nagpapasalamat dahil tuwang tuwa raw ang kanyang ama sa kanyang natanggap na sapatos. 

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera