Landlady sa Batangas, Nilibre ng 1 Buwan na Upa ng Kanyang mga Tenants!




Isang magandang regalo ang natanggap ng mga nangungupahan mula sa kanilang landlady sa Batangas dahil nilibre nito ng isang buwan ang renta ng kanilang upa. Mula ng magsimula ang enhanced community quarantine sa Luzon ay marami na ring landlord at landlady ang nagkusang tumulong sa kanilang mga tenants.

Sa pamamagitan ng paglibre ng isang buwang renta at pamimigay ng pera ay naging malaking tulong ito para sa mga taong apektado ng COVID-19. Dahil natigil na ang paghahanapbuhay at kailangan pang mag-imbak ng pagkain sa bahay, ang pagiging maunawain ng mga may-ari ng mga apartments ay umantig sa puso ng mga netizens.





Sa Facebook post ng News5, ibinahagi nito na isang landlady na naman ang nanglibre ng upa ng kanyang mga tenants. Sa mga larawan, makikita ang mga tenants na may dala-dalang papel at nakasulat roon ang “free rental for March 2020 due to COVID-19.” Ang pagbabayanihang ito ay isang magandang halimbawa sa lahat na sa panahon ng kagipitan, dapat tayong lahat ay magtulungan sa isa’t isa.

Ayon sa post, nilibre ni Lenlen Borneo may-ari ng apartment ang kanyang mga tenants ng isang buwang renta. Sobrang pasasalamat naman ang nabatid ng mga nangungupahan lalo pa at hindi sila makalabas ngayon ng bahay. Pinuri at hinangaan naman ng mga netizen ang mga landlady na katulad ni Lenlen dahil sa malasakit nila sa kanilang mga tenants.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay