Libreng Consultation at Check-Up ng Isang Dental Clinic via Online, Kinaaliwan ng mga Netizens!




Dahil sa pinapatupad na enhanced community quarantine ay pinagbawalan na ang paglabas ng mga Pinoy sa kanilang mga tahanan. Ang tanging mga pinapayagang lumabas lamang ay ang mga frontliners, bibili ng pagkain o gamut at iyong mga kailangang pumasok sa kanilang mga trabaho. Dahil sa pinagbabawal lumabas, isang dental clinic ang nag viral at trending online dahil nagbibigay umano ito ng free consultation at check-up via online. 

 Halos dalawang buwan pagkatapos makumpirma ang unang kaso ng COVID-19 sa bansa ay umabot na sa mahigit dalawang daan na kaso sa buong bansa. Kaya naman mahigpit na pinapatupad ngayon ng pamahaalan ang enhanced community quarantine. Ang isa sa mga layunin ng enhanced community quarantine ay panatilihin ang mga Pinoy sa loob ng kanilang mga bahay para hindi rin dumami pa ang may kaso ng COVID-19 lalo na may community transmission.





Dahil hindi na maaring lumabas pa sa kanilang mga bahay bukod na lamang kung bibili ng gamut o pag kain, maraming mga negosyo ang naghahanap ng ibang paraan upang makapaghatid ng serbisyo. Sa isang facebook post, inanunsyo ni Mark Belleza Rosales na tumatanggap umano siya ng libreng consultation at check-up sa clinic na Umbrella Dental Clinic. Ito ay sa pamamagitan ng consultation via internet.

Kabilang sa post ang litrato ng isang dentist habang tila ginagawan ng check up ang pasyente na nakanganga sa kamera habang nasa video call. Biro pa ng post na winoworkout din nila umano kung paano makakalinis, bunot o pasta online. Medyo mabagal lang daw kasi ang internet connection. Maraming mga netizens ang natuwa sa post na ito lalo na at imposible ang nais nitong makamit. Ngunit naging katatawanan na lang lalo na sa panahon ngayon na mahirap nang lumabas at pumunta sa mga appointments. 

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese