Lola, Nagbebenta Ng Tig Php 5 Rice Meal Sa Mga Mahihirap Na Estudyante Kahit Na Hindi Man Niya Nababawi Ang Kanyang Puhunan


"Ang isang mahirap, magtatanong ka paano ka makakatulong sa kapwa mo? Hindi porke mahirap ka hindi ka makakatulong, sa maliit na paraan magagawa mo yan."-Nanay Mel

Sa panahon ngayon, ano pa nga ba ang halaga ng baryang limang piso? Kung tatanungin ang karamihan, tiyak na sasabihin nila na pambili na lamang ito ng kendi sa tindahan. Paliit na ng paliit ang halaga ng pera subalit pataas naman ng pataas ang mga bilihin.

Ngunit sa isang tindahang ito, sa halagang Php5 ay makakabili ka na ng pananghalian mo. 

Ang may-ari at taga-luto ng mga murang pagkain sa maliit na tindahang ito ay nakilala bilang si Nanay Mel. Araw-araw ay gumigising siya ng maaga upang maghanda ng mga pagkaing kanyang ibinebenta sa mga mag-aaral na wala namang sapat na pambaon sa eskwela.

Nagtitinda siya ng iba't ibang klase ng ulam tulad ng menudo, bopis, ham, tinolang manok at kare-kare na tig-lilimang piso. Mayroong ding chicken balls, kikiam, hotdogs, kwek-kwek, at siomai na nagkakahalagang Php1 hanggang Php5. Dagdag pa niya na mayroon din siyang binebentang kanin na tig Php5 din. 

Kaya naman kung bibili ka ng isang putahe ng ulam na may kanin kasama na pati ang disposable na lalagyan ay gagastos ka lamang ng Php10. Ibinahagi rin ni Nanay Mel, ang kanyang 'chowfan rice' na gawa sa fried rice at mayroong piraso ng mga hotdogs na sa halagang limang piso ay makakabili ka na at makakaraos ka na sa tanghalian mo.

Tanong ng taong kumukuha ng video sa kanya kung hindi ba siya nalulugi sa ganitong paraan niya ng pagtitinda. Ngunit ang nakaka-taba na pusong sagot ni Nanay Mel, "hindi porke mahirap ka, hindi ka makakatulong, sa maliit na paraan magagawa mo yan."

Ang pagbebenta ng murang pagkain ni Nanay Mel ay hindi para kumita siya ng malaki sa kanyang negosyo kundi para matulungan ang mga mahihirap na estudyante na kakaunti lamang ang dalang baon sa eskwela.

Hindi lamang nabubusog ang mga bumibili sa kanyang munting tindahan kung hindi napapasaya rin ni Nanay Mel ang mga bata lalo na't nairaraos nila ang kanilang araw nang hindi nagugutom.

Comments

Popular posts from this blog

Grab Food Rider Kinain Na Lamang Ang Di Binayaran At Kinanselang Order Ng Kanyang Customer

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Matandang Lalaki, Inakalang Pulubi ng Isang Pawnshop Ngunit Ito Pala ay Nagpapadala ng Pera Para sa Anak!