Maliit Na Restaurant, Kinonvert Upang Maging Temporary Shelter Ng Mga Walang Tirahan, May Libre Pang Pagkain


Sa gitna ng nararanasan nating malaking pagsubok ngayon sa ating bansa, di maikakaila na mayroong mga mabubuting tao na handang tumulong sa mga kapus palad. 

Dahil sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon, marami sa ating mga kababayan ang nahihirapang makahanap ng kanilang pagkain lalo na't halos lahat ng mga establisyemento ay sarado. Ganun na rin ang mga taong lansangan na wala naman talagang matutuluyan lalo na't pagpatak ng curfew sa gabi. 

Kamakailan, ang isang maliit na restaurant na ito na matatagpuan sa East Kamias, Quezon City ay  nag-viral sa social media dahil binuksan nila ang kanilang pintuan upang pansamantalang patuluyin ang mga taong wala namang tirahan at walang pagkain.

Ang Popburri ay isang maliit na snackshop na nagtitinda ng mga espesyal na popsicles, hot chocolate, rice meals, pandesal, burritos at iba pang snack items. Nang magsimula ang lockdown ay kinonvert nila ang kanilang maliit na shop upang maging temporary shelter ng mga mahihirap.

Nag-alok sila ng espasyo para sa mga taong walang tahanan at maaari silang makitulog dito mula 6PM hanggang 6AM na may kasama pang libreng pagkain na agahan at hapunan, at maaari rin silang gumamit ng toilet at bath.

Pahayag ng management ng restaurant,

"In the midst of the Covid-19 we have transformed our store into a homeless shelter. Thank you for your patience as we will no longer be selling food. The shelter will open daily from 6pm-6am every evening until April 12. Dinner will be served at 6:30pm, and we will do our best to handle medical needs with the support of our East Kamias Barangay teams. 

You are welcome to serve and bring food for our community during this time, or bring an old mattress, pillow, or bedsheet which we really need. (PPE equipment is very limited so kindly bring your own mask.) We may be small, but we serve a BIG GOD... let's be instruments for Him together!"

Tunay na kahanga-hanga ang ating mga kababayan na handang tumulong sa kanilang mga kapwang mas nangangailangan. Nawa'y magsilbi rin sana kayong inspirasyon sa iba! Kudos sa inyo Popburri team!

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Netizen, Nahabag sa isang lalaking nagtitinda ng lobo na may kasamang anak na nakatulog

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Kasambahay na Pinag-aral ng Kaniyang Amo, Nakapagtapos ng Cum Laude