Masipag Na Estudyante Patuloy Ang Paggawa Ng Assignment Kahit Na Nababasa Na Siya Ng Ulan


Hindi lahat ng bata ay nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral. Ngunit dahil ang edukasyon ngayon sa ating bansa ay libre na, maraming mga bata ang nabigyan ng pag-asa upang makabalik sa eskwelahan.

Mayroong mga mag-aaral na talagang pinagpupursigihan ang kanilang pag-aaral upang sila ay makatapos at magkaroon ng magandang kinabukasan. Ngunit mayroon din naman na kung sino pa ang maswerteng nakakapag-aral sa magandang paaralan ay sila pa ang nagloloko at nagbubulakbol.

Kaya naman sana ay maging inspirasyon ang istorya ng batang ito.
Hinangaan ng mga netizens ang isang batang babae na ito na nakilala bilang si Lorensalie Elaine Dolfo. Ulila na ito sa ama at pansamantalang namamalagi muna ang kanyang pamilya sa isang maliit na parking space na kung saan naglatag lang sila ng karton bilang tulugan.

Kahit na masama ang panahon at malakas ang ulan sa araw na iyon, ay hindi napigilan ng masipag na estudyante na gawin ang kanyang mga assignment sa eskwela. 

Di tulad ng ibang bata na mayroong maayos na lamesa at upuan upang gumawa ng mga takdang aralin, si Lorensalie ay makikitang hirap na hirap gawing pananggalang sa ulan ang kanyang jacket upang hindi mabasa ang kanyang libro habang nakaupo lamang ito sa sahig ng parking lot na pinatungan lamang nila ng karton.
Makikita sa kanyang harapan ang kanyang ina na natutulog at ang kanyang nakababatang kapatid na sinusubukan ding sumilong upang hindi mabasa sa ulan.

Ilang beses na inayos ng bata ang nakatakip sa kanya na jacket dahil nililipad ito ng malakas na hangin. Gayunpaman ay hindi ito sumuko sa paggawa ng kanyang assignment.

Hinangaan ng mga netizens ang determinasyon ng bata dahil bibihira lamang talaga ang mga estudyanteng ganito kasipag at walang angal kahit na nahihirapan sila sa pag-aaral.

Nawa'y ang istorya ni Lorensalie ay magsilbi sanang inspirasyon sa milyong milyong kabataan. Sana ay pahalagahan ng bawat estudyante ang kanilang edukasyon lalo na't para naman ito sa kanilang ikabubuti at sa kanilang kinabukasan.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!