Nakakatuwang Reaksyon ng Lolo at Lola na Ito na Nagulat sa Prank ng Kanilang Apo na Akala Nila ay Nagtitinda Lamang ng Pusit




Masayang balikan ang mga karanasan noong kabataan lalong-lalo na kung nabigyan tayo ng pagkakataon na makasama ang ating mga lolo at lola. Sila kasi itong mas maalaga at madalas nagbibigay kulay sa ating buhay bilang mga bata. Sa katunayan, karamihan sa atin ay mayroong hindi makakalimutang mga karanasan kasama sila. Dahil dito, naging natural na ang pagkakaroon natin ng pangako sa ating sarili na balang araw ay ibabalik natin ang mabubuting bagay na kanilang ipinakita.

Ginawa nga ito ng isang Pastor na nagmula sa General Santos City at sinorpresa ang kaniyang lolo at lola na nakatira pa sa Bukidnon.

Matagal ng plano ni Ptr. Ritchie Pitogo Remulta na tulungan ang matatanda sa pagpapaayos ng kanilang bahay at nais niyang patayuan ito ng sari-sari store para mayroon silang pagkakakitaan. Sa halip na simpleng pagbisita lang ang gagawin ay sinorpresa niya ang mga ito at nagpanggap na nagtitinda ng daing na pusit.




Habang suot-suot pa ang kaniyang helmet ay tinawag niya ang pangalan ng matanda at nag-alok ng kaniyang paninda. Pagkatawag niya sa mga ito ay agad naman lumabas sina Lolo at Lola subalit hindi nila agad ito namukhaan kaya naman nagtanong pa sila kung ano ang kaniyang ibinebenta. 


Sa una ay namahalan si Lolo Pilo sa presyong 100 kada balot kaya naman humingi ito ng tawad hanggang 50 pesos. Hindi naman tumanggi si Pastor Ritchie at ibinigay nalang ito ng libre sa matanda na siya namang ikinagulat nito.


Takang-taka si Lolo Pilo sa nangyayari at ang asawa nitong si Lola Poping na panay ang usisa kung sino ang lalaking nasa harapan nila. Maya-maya pa ay tinanggal na ni Pastor Ritchie ang helmet sabay sambit ng mga katagang, "Apo niyo po ako!".




Nagtatalon at naghiyawan sa tuwa ang mag-asawa nang maaninag nila ang mukha ng kanilang apo at hindi ito magkamayaw sa pagyakap kay Ptr. Ritchie. Tuwang-tuwa ang 82-taong na matatanda dahil sa muli ay nakita na naman nila ang kanilang apo sa maayos na kalagayan at may dala pang mabuting balita.


Kaysarap nga namang makita ang ganitong mga tagpo kung saan mayroong mga tao na patuloy na pinapahalagahan ang mga matatanda at nagbabalik ng kabutihan sa mga ito ngayong sila na naman ang malalakas at may kaya. Ikaw, isa ka rin ba sa mga batang lumaki na kasama ang kanilang lolo at lola?

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa