Nanay, Nakaisip Ng Magandang Ideya Upang Ma-Motivate Ang Kanyang Mga Anak Na Tumulong Sa Gawaing Bahay Habang Naka-Quarantine



Dahil sa enhanced community quarantine, ang mga bata sa kani-kanilang mga tahanan ay nababagot na dahil hindi sila pwedeng lumabas ng bahay. Ngunit imbes na hayaan silang mag-cellphone lang buong araw at humilata ay magandang pagkakataon ang oras na ito upang maturuan at matuto sila sa mga gawaing bahay.

Isang wais na nanay na si Hycinth Clor de Arta ay nakaisip ng magandang paraan upang ma-motivate ang kanyang anak na tumulong sa mga gawaing bahay. Ibinahagi niya sa isang Facebook post kung papaano niya ito ginawa.
Ayon sa kanyang post,

"How we make them productive amid the lockdown. Mama's Home Quarantine Store is now open for my kiddos."

Nagtayo siya ng isang tila maliit na tindahan para sa kanyang mga anak. Ngunit sa bawat pagkain na kanyang paninda ay mayroon itong presyo na nagkakahalaga mula 100-500 play money. 

Ang nakakatuwa pa rito ay bago makabili ang kanyang mga anak sa tindahan ay kailangan nilang kumita ng kunwa-kunwariang pera. At para magawa ito ay naglagay siya ng listahan ng mga gawain sa bahay na mayroong katumbas na halaga kapag nagampanan ito ng kanyang mga anak.

Halimbawa, ang nagwalis sa kusina ay su-sweldo ng 200 play money, ang nagtapon ng basura-500, mag-ayos sa kwarto-500, at magwalis sa labas ay commission based pa na kung saan ang ang bawat makuhang dahon ay katumbas ng kanilang sweldo.
Mayroong ding mga rules ang kanyang maliit na tindahan na kung saan pinapaalalahanan niya ang kanyang mga anak ng mga tamang social distancing, paggamit ng sanitizer, bawal mangutang at bawal mag-away.



Dagdag ni Hycinth na, "Money is earned after certain hardwork."

Mapapansin na malaki ang value ng kanyang mga paninda dahil ang play money na kanilang ginamit ay malalaki rin ang denomination at wala siyang panukling coins. 

Napakagandang ideya nito dahil sa murang edad pa lamang ng mga bata ay natuturuan na sila ng halaga ng pagiging masipag sa pagtatrabaho. At tiyak na mas magiging masarap ang kanilang kain ng snacks lalo na't mula ito sa kanilang paghihirap.

Hindi lang iyon, nakakatulong pa sila sa mga gawaing bahay at nagiging responsable lalo na't wala naman silang ginagawa ngayong naka enhanced community quarantine.

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Mabait Na Security Guard Tinulungan Ang Isang Bata Na Nakatulog Sa Kalsada

Lalamove Rider Na May Sira-Sirang Sapatos Binigyan Ng Sapatos Ng Kanyang Customer