Naninigurado Lang! Sekyu Nakitang Kinukuhanan Rin Ng Temperatura Ang Kanyang Sarili



Sa pagdami ng kas0 ng CoVid-19 sa ating bansa, mainam lang na ang bawat establisyemento ay nagsasagawa rin ng mga precautionary measures upang maiwasan ang paglaganap ng virus. Kahit na naipatupad ang pagkansela ng mga klase at ilang mga trabaho, ay hindi pa rin maiiwasan ang paglabas ng mga tao sa kanilang tahanan dahil ang ilan ay kailangang bumili ng kanilang mga supply ng pagkain.

Bilang hakbang upang maiwasan ang paglaganap ng sak!t karamihan sa mga establisyemento ay naglagay ng mga hand sanitizers o alc0hol sa mga entry points, cashiers, at comfort rooms na kung saan marami ang mga bakterya at virus na maaaring kumapit sa mga bagay-bagay.

Mayroon ding nagsasagawa ng mga temperature checking o thermal scanning bago makapasok sa isang establisyemento. Ngunit kung iisipin, ang mga frontliners na nagsusuri ng bawat temperatura ng mga taong pumapasok ay nasa panganib din ang kanilang kalusugan lalo na't sila ang pangunahing na-eexpose. 

Sa isang post na ibinahagi ng netizen na si Benj De Luna Fernandez, ay nakuhanan niya ng larawan ang isang security guard na may hawak na thermal scanner habang iniiscan ang mga papasok sa isang building. 

Sa mga larawan ay makitang ginagawa naman ng sekyu ang kanyang trabaho na tiyakin na walang makakapasok na taong mayroong lagnat. 

Ngunit ilang sandali lamang ay nasaksihan ng netizen na ang hawak na thermal scanner ng sekyu ay kanya rin ginamit sa kanyang ulo upang matiyak na siya rin ay walang lagnat. 

Wika ni Benj sa kanyang post,

"Sa dami-daming tao na nakaharap ni kuya guard, naninigurado na lang din siya. 

P.S. nakakaawa yung trabaho nila dahil sa exposure nila pero natawa lang din ako ng konti."

Bagamat nakapagdulot ito ng pagkaaliw sa ilang mga netizens ay marami rin ang nangamba para sa kalagayan ng mga frontliners tulad ni Manong guard lalo na't wala man siyang suot na protective equipment tulad ng face mask at gloves.

"At least siya mismo nag check sa sarili niya if safe ba siya."

"Hirap ng trabaho ng karamihan. May God protect us all."

"Kawawa naman. Di man lang pinrovide ng company ang mask niya man lang sana."

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse