Netizen, Laking Pasasalamat Sa Kanilang Employer Na Kahit Maliit Na Kumpanya Ay Nagpamalas Ng Malasakit Sa Kanila



Trending ngayon sa social media ang iba't ibang ginagawang pagtulong ng mga employers at kumpanya sa kanilang mga empleyado. Dahil sa gitna crisis na dinaranas ng ating bansa ay hindi pinapabayaan ng mga ilang kumpanya ang kanilang mga employees lalo na't mas kailangan nila ngayon ang pera at tulong.

Ibinahagi ng netizen na si Juanito C. Balundo ang tulong na iniabot sa kanila ng kanilang boss sa panahong naka-enhance community quarantine. Wika niya sa kanyang post.

"Hindi man malaki ang kumpanya nang boss namin, malaki naman ang kanyang malasakit sa amin.

How much more doon sa mga malalaking kumpanya galaw galaw din it's time to show your care to them. Huwag puro gamit sa tao ha."

Laking pasasalamat niya dahil kahit na maliit lamang ang kanyang kumpanyang pinagtatrabahuhan ay nagmigay pa ito sa kanilang mga empleyado ng mga relief goods tulad ng mga noodles, mga de latang pagkain at Php500 kada supot.

Halos dalawang taon na si Juanito na nagtatrabaho sa nasabing kumpanya bilang isang licensed professional teacher. Dagdag pa niya,

"Since 2018 trabahante nako. Habang nagre-review para sa board exam hanggang sa pumasa ako at until now dito pa rin ako. Nung dumating ang pandemic na ito naisip ng boss namin na bigyan kame habang naka- community quarantine."

Hindi man ganoon kalaki ang tulong na naibigay ng kumpanya sa kanyang mga empleyado, ang importante naman ay kahit sa papaanong paraan ay tumulong ito at hindi pinabayaan ang kanilang mga trabahante. Iyon sana ang ang magsilbing inspirasyon sa ibang mga kumpanya

Komento ng ilang mga netizens na, "Sana all!" may ganitong mapagmalasakit na employer. Wika ng ilan na sana ay magkaroon rin sila ng mabait na boss tulad ng kay Juanito.
"Bless your company always po. sana ganon din sa company namin."

"Real talk yung mga malalaking kumpanya pa kuripot at walang maibigay na tulong while yung mga private at maliliit na company talaga aalagaan at iintindihin sitwasyon ng mga trabahador nila."

"Yan ang maganda, may konsiderasyon sa mga empleyado."

Source: Facebook

Comments

  1. Sana nga lahat ng employer my malasakit.. private company din pinagtatrabahuhan ko pero ni singko wala kami natanggap.. Pagpalain pa nawa ang company nyo sir..for caring on your employees whos in needs..

    ReplyDelete
  2. ang galing sana kmi din ganyan ginawa ng boss namin

    ReplyDelete
  3. Sana all ganyan ang employer , napakabless mo sir at jan ka nakapagwork. Stay safe and GodBless

    ReplyDelete
  4. sana lahat company ganyan sa mga empleyado nla kaht hnggang sa pnka maliit na empleyado. .

    ReplyDelete

Post a comment

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay