Pinay Chemist, Gumawa Ng Sariling Alc0hol Upang Ipamahagi Sa Mga Taong Naubusan Dahil Sa Hoarding


Dahil sa mataas na demand ng mga facemasks at rubbing alc0hol sa panahon ngayon, marami sa ating mga kababayan na may kaya ang nag-imbak o nag-hoard ng mga gamit na ito. Ang nakakasama pa ng loob ay sinasamantala nila ang pagkakataong ito upang maibenta ang mga ito sa mas mahal na presyo.

Subalit kahit sa gitna ng kasakiman na ito ng ibang tao ay mayroon pa rin namang natitirang busilak ang loob na handang tumulong sa kanilang kapwa lalong lalo na sa mga taong mas kailangan o walang pambili ng rubbing alc0hol.

Ang lisensyadong chemist na si Meg Reyes-Sy ay nakaisip ng magandang ideya na tiyak na marami sa ating mga kababayan ang makikinabang rito. Ginamit kasi niya ang kanyang natutunan bilang isang chemist sa paggawa ng sariling 70% rubbing alcohol.

Inihayag niya sa kanyang Facebook account ang isang post,

"Hello everyone! I've decided to go back to my roots as a licensed chemist so I could help people in need. 

I will be giving away FREE 70% ethyl alc0h0l to anyone who would be needing them. Why? Because I am honestly heartbroken as to how selfish other people could be. I've been seeing posts about those people WHO ACTUALLY NEED ALCOHOL and couldn't buy them anymore because it's out of stock in groceries.

We are living in a time where fear leads us to be selfish- where humanity is almost non-existent. I'm not doing this to be famous! HINDI KO KAILANGAN SUMIKAT! I'm doing this because it is the humane thing to do and I hope this random act of kindness can be an instrument for us to help each other in these hard times."

Aniya pa na gumagamit siya ng 97% cosmetic grade ethanol at purified drinking water. Dinagdagan rin niya ito ng moisturizer upang hindi mag-dry ang kamay ng gagamit nito.

Binibigyan niya ng prayoridad ang mga matatanda at may sanggol sa kanilang mga tahanan na hindi makabili ng alcoh0l sa mga tindahan/ grocery stores dahil sila ang may mas mababang immune system.

Upang makabawas rin sa pagdami ng basura sa ating paligid ay kailangang magdala na lamang ng sariling lalagyan ang nais maka-kuha. Kada tao ay magbibigay siya ng 250mL upang mas marami ang makatanggap nito.

Sa panahon ngayon, ang kailangan natin ay pagkakaisa at pagtutulungan.

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese