Proud Lola, Dinisplay ang Tarpaulin ng Apo sa Kanilang Munting Tagpi-Tagping Bahay!



Naantig ang damdamin ng mga netizens sa isang viral photo kung saan buong pusong ipinagmalaki ng isang lola ang kanyang bagong pasadong apo sa board exam. Sa isang tarpaulin, nakalagay ang buong pangalan ni Crystalle Mae Manalo at nakasaad na isa na siyang board passer sa kursong Mechanical Engineering.

Nag-viral sa social media ang post ni Crystalle matapos niyang ibahagi ang naging usapan nila ng kanyang lola. Ayon sa post ni Crystalle, tila nahihiya ang kanyang lola na makita ng marami ang kanilang tagpi-tagping bahay kung kaya nagdadalawang-isip itong doon ilagay ang kanyang tarpaulin. Ngunit hindi alintana ni Crystalle, bagkus ipinagmamalaki pa niya ang kanilang tahanan.





Pumukaw ito ng maraming atensyon mula sa netizen at nagsilbi itong inspirasyon sa karamihan dahil sa pagiging positibo sa buhay ni Crystelle. Minsan maaring hindi natin na-appreciate ang mga bagay na nasa atin. Ngunit para kay Crystelle ay naging malaking parte ng kanyang buhay ang kanilang tagpi-tagping bahay. Doon nagsimulang mangarap at doon niya rin tinupad ang kanyang mga pangarap.

Ngayon ay certified Mechanical Engineer na si Crystelle. Nakapagtapos siya ng BS Mechanical Engineering sa Colegio de San Juan de Letran – Calamba bilang Academic Excellence Awardee. Kaya naman sobrang ipinagmamalaki rin siya ng kanyang Nanay Gloria kaya’t binati rin siya nito sa social media. Ayon pa sa kwento ng mag lola, tuwing bayaran pa nga daw minsan sa eskwelahan ay wala silang pambayad at puro pakiusap lang ang kanilang ginagawa. Ngunit ngayon ay nakamit na nila ang minimithing pangarap at natupad ang kanilang mga dasal at lubos silang nagpapasalamat sa Panginoon dahil hindi sila pinabayaan.

Comments

Popular posts from this blog

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Mabait Na Security Guard Tinulungan Ang Isang Bata Na Nakatulog Sa Kalsada

Lalamove Rider Na May Sira-Sirang Sapatos Binigyan Ng Sapatos Ng Kanyang Customer

Isang Ina na madalas kasama ang anak sa trabaho at pag-aaral, Nakapagtapos ng Kolehiyo dahil sa sipag at tiyaga