Proud Online Seller, Dahil sa Tiyaga ay Ngayon Nakapundar na ng Sarili Niyang Bahay at Sasakyan




Mahirap kumita ng pera lalo na sa panahon ngayon, kahit pa makapagtapos sa kolehiyo ay hindi garantiya ito na makakahanap agad ng trabaho na may tamang sweldo at magandang benepisyo. Dahil rito, kanya-kanyang diskarte tayong mga pinoy, bagay na natural naman sa atin kaya nga mataas ang demand ng mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa dahil kilala tayong masisipag at matiyaga. 

Para naman sa mga taong maagang bumuo ng pamilya ay mas doble ang pagsisikap dahil kailangan nilang pagsabayin ang pag-aasikaso sa mga bata at pagtatrabaho. 

Ngunit gaano man kahirap ay sulit naman ang lahat dahil kapalit nito ay mas magandang buhay, kagaya na lamang ng nangyari sa online seller na si Ara De Gala. 


Nag-viral ang post sa Facebook ni Ara kung saan ibinahagi nito ang kwento ng tagumpay nito sa kabila ng pagiging isang batang ina. 




Kinse anyos lamang umano ito nang mabuntis sa kanyang panganay at ang kanyang pag-aaral ay naituloy lamang pagkapanganak. Nagsikap silang magkasintahan noon (na ngayon ay asawa na niya) para makapagtapos habang nag-aalaga rin sa anak. 


Taong 2014 sumubok si Ara na magbenta online at kahit na sa simula raw ay hindi gaanong malakas ang bentahan ay tinyaga nila hanggang sa makilala na ang kanilang online shop. 

Nakabili sila ng kanilang unang second-hand na sasakyan noong 2016 at sa kalagitnaan naman ng taong 2017 ay bumili sila ng mas malaki na SUV dahil kailangan na nila iyon sa negosyo. 2018 naman ay ibinenta nila ang unang kotse at bumili ng van para hindi na sila nagrerenta tuwing kailangan nilang mag-angkat ng stocks mula sa mga suppliers. 


Sa kaparehong taon ay nakabili sila ng lote at namuhunan sila sa bagong negosyo, ang kanilang isa pang online shop na nagbebenta ng mga produktong ginagamit sa mga sasakyan. 

Lumago rin umano ang shop kaya kinailangan muli nilang bumili ng isa pang sasakyan para magamit sa pagde-deliver sa mga sinu-supply-an nilang car wash, kaya kumuha naman sila ng Navara. 


Sabi ni Ara sa nasabing post, napag-usapan nilang mag-asawa na dapat kada-taon ay may napupuntahan ang kanilang ipon ngunit kalaunan ay napagdesisyunan nila na magpundar ng sariling bahay bago pa man sila mag-trenta dahil lumalaki na ang kanilang mga anak. Malaking gastos man ay nagawa nilang mapatapos ang bahay nitong nakaraang taon. 







Ngayon ay masayang-masaya si Ara at ang kanyang pamilya dahil may sarili na silang tirahan na katas mismo ng pagsisikap nilang mag-asawa. Natupad rin sa wakas ang isa sa kanilang pangarap at kaya naman ibinahagi ito ni Ara ay hindi raw para magyabang kundi para magbigay ng inspirasyon sa iba. 



Tiwala sa sarili at kasipagan ang susi sa tagumpay kaya wag hayaang maging hadlang ang mga pangyayari sa buhay na hindi natin kontrolado.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!