Relief Goods Na Nakalagay Sa Timba Ang Ipinamahagi Sa San Jose Del Monte, Bulacan



Dahil sa enhanced community quarantine, patuloy ang pamamahagi ng mga relief goods ng bawat barangay. Marahil hindi pa lahat ay nakakatanggap ng kanilang mga rasyon, mayroon namang mga barangay na nakapagsimula ng mamahagi ng mga ito at inuuna muna nila ang mga labis na nangangailangan katulad ng mga 4P's.

Samantala, ang Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan ay nagsimula ng mamahagi ng kanilang mga relief packages para sa mga pamilyang lubos na apektado ng enhanced community quarantine.

Ayon sa post ng Facebook page na SJDM Public Information Office

"Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa pamamahagi ng relief packages para sa pamilya San Joseno na apektado ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine.

Prayoridad ng lokal na pamahalaan na unang mabigyan ng tulong ang mga pamilyang kabilang sa mga benipisyaryo ng 4P's at Listahan ng DSWD, at mga pamilya nasa talaan ng Pamahalaang Barangay na pansamantalang nawalan ng kabuhayan."

Samantala, hinangaan naman ng mga netizens ang kanilang paraan ng pamimigay ng mga relief goods dahil nakalagay ang mga ito sa mga plastic na timba. Tiyak naman na maayos nila itong maipapamimigay dahil mas organized ang mga ito.



Wika ng isang netizen,

"Ang galing, may libreng timba! Mas magagamit nga naman iyan sa panahon ngayon na tagtuyot na. Buti naisip ninyo iyan."

Ngunit panawagan ng ibang mga residente na marami pang mga pamilyang hindi pa nahahatiran ng mga relief goods at sana ay wala silang pinipiling pagbibigyan ng mga ito dahil pare-parehas lang naman daw tayong naapektuhan ng crisis na ito.

"Tama po na maging priority sa pagbibigay ng ayuda ay yung mas higit na nangangailangan. Pero dapat din po lahat ng family dito sa San Jose ay mabigyan ng ayuda. Mahirap man o mayaman. Kasi po lahat tayo apektado ng pandemic. Kaya hindi tama na pinipili kung sino lang yung bibigyan ng ayuda."

Source: Facebook

Comments

  1. Fake news nnaman wala naman kame natanggap jusmio!

    ReplyDelete
  2. Wala kayang timba, pero may bigas 5 kilo Ata Yun Lang iniwan sa bakuean ninyo, anyway thanks nakatanggap din..

    ReplyDelete

Post a comment

Popular posts from this blog

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Naawa Ang Isang Netizen Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Anak Ng Isang Magsasaka Maswerteng Napakag-aral Sa Harvard University Ng Libre