Renta sa Bahay ng Nangungupahan, Inilibre ng Isang Buwan ng May-ari!




Ugali na ng mga Pilipino ang pagiging matulungin at maunawain sa kapwa. Kaya naman laking pasasalamat ng isang netizen na si Melinda Lagusad Tagra na nakalibre siya ng isang buwang renta sa kanyang inuupahan. Naging viral sa social media ang post ni Melinda. Sa ngayon, umabot na ng 87,000 shares, 25,000 reactions at 10,000 comment ang kanyang nasabing post.

Dahil sa pagtaas ng bilang na nagkakaroon ng COVID-19 sa bansa ay idineklara na ng ating pamahalaan ang “enhanced community quarantine” sa buong Luzon. Malaking dagok ito sa lahat lalo na sa mga naghahanapbuhay nating kababayan. Ngunit sa panahong ito, nagpapatunay lamang na nangingibababaw pa rin ang pag-unawa at pagmamalasakit sa kapwa.




Ibinahagi naman ni Melinda sa kanyang social media ang screenshot ng mensahe ng kanyang landlady. Ayon dito, sinabihan siya ng kaniyang landlady na wag na muna magbayad ng upa sa April 15 at sa halip ay magbayad na lamang sa May 15. Inilibre ang isang buwang renta dahil sa nangyayari ngayon. Kaya naman laking pasasalamat ni Melinda sa may-ari ng bahay dahil napakalaking tulong na nilibre sila ng isang buwan nito.

Ayon sa kaniya, napakalaking tulong nito sa kaniya dahil hindi siya mapapagastos at natuwa ito na napakabait at naiintindihan ng kaniyang landlady ang sitwasyon nila ngayon. Sana daw ay marami pang katulad nito at pagpalain lalo sila ng Maykapal dahil sa kabutihan na dala nito.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!