Request Ng Ikakasal Na Ito Na School Supplies Na Lamang Ang Ibigay Na Regalo Ng Kanilang Mga Bisista


Karamihan sa mga kasalan ngayon ay nagre-request ang ikinakasal na kung maaari ang iregalo na lamang sa kanila ng kanilang mga bisita ay pera na lamang kaysa gamit. Sa laki ba naman kasi ng nagagastos sa mga kasalan ay tiyak na mas makakatulong ang pera bilang kanilang panimula sa kanilang buhay mag-asawa.

Ngunit ibahin natin ang couple na ito dahil imbes na nagrequest sila ng regalo na para sa kanila ay minabuti nila na school supplies na lamang ang ibigay na regalo ng kanilang mga guests.

Noong nagpropose si Matt Cameron, ang nobyo ni Kelli Carter, isang grade 1 teacher ng Roland Park K-8 Magnet School sa Tampa, Florida ay agad nilang pinagplanuhan ang kanilang kasal. Ngunit para kay Kelli, ay nais niyang maisama ang kanyang mga estudyante sa bagong yugto na ito ng kanyang buhay dahil itinuturing na rin niya ang mga ito na kanyang pamilya.

Dahil maraming mga bata ang hindi nakakabili ng bagong bag, uniporme, sapatos at school supplies, minabuti ni Kelli na ipaalam sa kanyang mapapangasawa na kung maaari ay hilingin na lamang nila sa kanilang mga guests na school supplies na lamang ang kanilang ipangregalo sa kanila sa kanilang kasal.

Agad naman itong sinang-ayunan ni Matt at naging proud sa kanyang magiging misis dahil sa pagiging maaalalahamin nito sa ibang mga batang kapus-palad.

Nakahanap ang mag-nobyo ng isang eskwelahan na kanilang susuportahan, ito ay ang Booker T. Washington Elementary School na matatagpuan rin sa Tampa, Florida. Nakipag-coordinate sila sa mga guro ng paaralan upang makuha ang mga pangalan ng mga bata na higit na nangangailangan ng kanilang tulong.


Sa kanilang personalized na wedding invitations ay nakalagay doon ang impormasyon ng bata na bibigyan ng kanilang mga guests ng mga regalo. Hinayaan naman nila ang kanilang mga guests na mamili ng mga regalong ibibigay sa mga bata ngunit suhestiyon nila na kung maaari ay mga gamit pang-eskwela.

Noong araw ng kanilang kasal ay dala-dala ng mga guests ang kanilang mga regalong school supplies. Mayroong nagbigay ng mga backpacks, uniforms, sapatos, notebooks, school supplies at iba pang extrang regalo sa mga bata.

Natuwa ang kanilang mga bisita sa ideyang ito ng mag-asawa dahil maraming bata ang kanilang natulungan at ang kanilang mga regalo ay tiyak na mapapakinabangan ng mga batang nangangailangan.

Samantala, sobrang pasasalamat naman ng bagong mag-asawa dahil hindi nila inaasahan na higit sa kanilang inaakala ang ibibigay na regalong pang-eskwela ng kanilang mga bisita. Pagkatapos nito ay ipinamahagi na ng mag-asawa sa mga bata ang kanilang mga regalong natanggap. Tiyak na isa ito sa pinakamasayang araw ng kanilang buhay.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa