Restaurants Namigay Ng Libreng Pagkain Sa Mga Health Workers Sa Mga Ospital Bilang Pasasalamat Sa Pagtugon Sa CoVid-19 Outbreak



Sa crisis na kinakaharap ng buong mundo laban sa CoVid-19 ay suporta ng bawat isa ang kinakailangan. Marahil maraming tao ang dumadagsa sa mga grocery stores at supermarkets upang magpanic buying ng mga supplies tulad ang alcohol, face masks, at pagkain, huwag nating kakalimutan na mayroong tayong mga health workers na walang humpay ang paghatid ng serbisyo sa ating mga mamamayang nagkaroon nitong virus.

Unang-una ang ating mga health workers na nangangalaga sa mga taong may sakit ang mas dapat nating inaalala dahil kung wala sila ay sino na lamang ang titingin sa mga taong nadapuan ng CoVid-19. 

Kaya naman bilang pasasalamat sa mga health workers sa mga ospital ay nagkaisa ang ilang mga restaurants na mamigay ng libreng pagkain para sa kanila.


Ang mga restaurants tulad ng Kanto Freestyle at Zark's Burgers ay naghanda ng mga packed meals para sa mga frontline health workers. 

Sa mga larawan na ibinahagi ng netizen na si Vincent Juanta sa News5 page ay makikita ang mga nakahandang pagkain tulad ng lechon kawali at tocilog na ipapamahagi sa mga health workers. Sa takip ng lalagyanan ay naglagay rin sila ng espesyal na mensahe.

"We salute our frontline healthcare workers who are our heroes in the fight against the CoVid-19 pandemic. 

Thank you for your sacrifice and dedication to ensure the safety of our people."

Bukod dito ay namigay rin ng libreng mga burgers ang Zark's Burgers sa mga kalapit na ospital bilang pasasalamat rin sa ating mga doktor at nurses na patuloy ang pagbibigay ng kanilang mga serbisyo sa mga taong may sak!t.

"Hats off to all our Filipino frontline healthcare providers who are working hard through these challenging times. 

We sent burgers to nearby hospitals as a way to thank them for tirelessly and selflessly ensuring everyone's safety amid COVID-19. 

Thank you all for your service. Saludo kami sa inyo, Zarkada!

Be safe. Let's help one another.

This too shall pass! #WeareAllinThisTogether."


Sa panahon ngayon, dapat na tayo ay nagtutulungan imbes na naggugulangan dahil kung ang ating mga sarili lang ang ating iniisip, hindi natin malalabanan ang problemang ating kinakaharap ngayon.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!