Secret Tindahan sa Gilid ng Bangketa, Kinaaliwan sa Social Media




Kinaaliwan ngayon sa social media ang isang tindahan na kung tawagin ay secret tindahan. Sa isang facebook post kasi ay kumalat at makikitang bumibili ng meryenda ang isang lalaki sa tindahang matatagpuan sa isang butas ng pader sa gilid ng bangketa. Naibahagi ang video ng pagbili ng lalaki kaya naman ito ay viral na at kalat sa buong social media.

Kung marami ang naaliw sa tinatawag noon na tindahan ni Rapunzel o ang sari sari store na nag viral dahil naman sa taas neto ay trending naman ngayon ang secret tindahan na matatagpuan sa isang butas sa gilid ng pader sa isang bangketa.





Hindi kaagad mapapansin na may sari sari store na nakatago sa likod ng pader at aakalain mo lamang na isa itong ordinaryong butas na likha ng natanggal na hollow block. Kung hindi ka sanay sa lugar at wala kang ideya sa kakaibang tindahan na ito ay tiyak magugulat ka kapag nakita mong bigla may uupo sa bangketa at magsasabi ng pabili. Sa facebook video kasi na upload ni John Dharyl, makikita ang isang lalaki na bumibili ng softdrinks at isang tinapay. Kapag tinitigan mabuti ang butas ay makikita na marami palang tinda talaga sa loob ng tindahan na maaring pagpilian. 

Nabahagi ang video na ito sa ibat ibang pages sa facebook kaya naman ito ay nag viral at nagbigay aliw sa mga netizens. Karamihan ay natuwa at marmai ang nagsabi na gusto nilang maranasan ang ganitong klase ng tindahan. Ayon naman sa ilan, sa sobrang kakaiba ng tindahan na ito hindi mo maiisip kung ikaw ba ay matutuwa na bumili o matatakot kahit tumingin man lang sa butas kung ano ano ang benta nito. 

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!