Supportive Kuya! Sinuot Niya ang Palda ng Kaniyang Kapatid at Ipinahiram ang Pantalon Para Makapag-Entrance Exam Ito!




Basta pamilya, walang hindi kayang gawin, katulad na lamang ng magkapatid mula sa Cebu City na may nakakaaliw at nakakaantig na kwento na kamakailan nag trending sa social media.

Sinamahan ng 25 anyos na si Jann Christian Bungcaras ang kanyang nakababatang kapatid na si Jea para kumuha ng entrance exam nito sa isang pribadong paaralan sa Cebu City. Estudyante ng Grade 12 STEM sa University of San Carlos si Jea at handang-handa na sana itong kumuha ng exam nang harangan silang magkapatid bago pa man makapasok sa loob dahil umano sa istriktong dress code ng school. 


Nakasuot ng isang knee-length palda na dilaw si Jea at hindi ito pinapayagang mag-exam sa kabila ng kanilang pakiusap. Ang buong akala raw ng magkapatid ay shorts lamang ang hindi pwede kaya hindi nag-atubiling isuot ni Jea ang palda kaya nga lang ay bawal rin pala ito.

Dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang exam, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Jann at hinila ang kapatid sa pinakamalapit na CR. Hinubad nito ang suot na pantalon sa labas mismo ng pinto ng CR at sinabihan ang kapatid na isuot muna iyon para makapag-exam na ito. 



Dali-daling ginawa naman ito ni Jea at iniabot naman niya ang hinubad na palda sa kanyang Kuya para may maipatong man lang ito sa suot na boxers. Sa kabutihang palad ay nakaabot si Jea bago tuluyang magsimula ang exam at matiyaga naman itong hinintay ni Jann habang suot-suot ang dilaw na palda nito.

Ibinahagi ni Jann sa Facebook ang kanilang litrato na kuha sa nakakaaliw na kaganapan noong araw na iyon at madali itong nag-viral. Maraming netizens ang naka-relate dahil ayon sa mga ito ay gagawin rin nila ang ginawa ni Jann kung kapatid nila ang nangangailangan ng tulong.



Paglilinaw ni Jann sa isang panayam na talagang hindi nila alam na bawal ang magsuot ng palda sa exam lalo pa't hindi naman maikli iyon kung tutuusin, ngunit kahit nagkaganoon ay nagpapasalamat pa rin sila dahil kung hindi niya iyon ginawa ay kakailanganin nilang magpa-reschedule ng exam kagaya ng nangyari sa ibang mga estudyante.


Sa kabilang banda ay hindi naman inakala ng magkapatid na kakalat ang post nang husto dahil nais lamang nilang ibahagi ang nangyari, gayunman ay inuudyukan nila ang lahat na maging mas mabuti sa kapwa, lalong-lalo na sa ating mga kapamilya.

Comments

Popular posts from this blog

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira

Sana All! Basag na Cellphone ng Isang Babae, Pinalitan Kaagad ng iPhone 11 ng Kaniyang Bestfriend!

Tawang-tawa Ang Mga Netizens Sa Sagot Ng Isang Grade 2 Pupil Sa Kanilang Exam

Kumpanya Nagbigay Ng Grocery Supplies At 1 Buwang Financial Assistance Sa Kanilang Mga Empleyado

Netizen, Laking Pasasalamat Sa Kanilang Employer Na Kahit Maliit Na Kumpanya Ay Nagpamalas Ng Malasakit Sa Kanila