Viral at Kinaaliwan ang Isang Lalaki Matapos Magdala ng Napakalaking Boarding Pass sa Airport!




Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan ng isang lalaki na nagdadala ng napakalaking boarding pass sa isang airport. Sa halip kasi na iprint ito sa isang ordinaryong size lamang na bondpaper ay halos kasing laki na ng isang kartolina ang kaniyang dinalang papel bilang bording pass. Good vibes naman ang hatid nito para sa mga security guard ng airport pati narin sa libo-libong netizens sa social media.

Isa sa mga requirement upang makabyahe kasi sa eroplano ang pagpapakita ng boarding pass. Ito kasi ay isang pruweba o katunayan na magsisilbi na lehitimo at bayad ang iyong airline ticket. Hassle free din ang pagkuha nito dahil pwede mo itong iprint sa bahay okaya naman sa ibat-ibang pass kiosks na matatagpuan sa loob ng airport.





Ngunit isang viral post ng netizen na si Qb Yamson Quiban sa facebook ay tila nagulat ang mga aiport security guards dahil literal isang malaking boarding pass ang tumambad sa kanila. Ayon sa uploader ng viral na larawan ay excited lamang ang kaniyang kaibigan na magpunta ng Bohol kaya naman Malaki ang prinint nitong boarding pass.

Kinilala na ang lalaki ay si Juan Miguel Licuanan na tawang tawa din mismo sa kaniyang sarili dahil sa kaniyang ginawa. Lalo ring kinaaliwan ng mga netizens sa social media dahil kabilang sa mga inupload na mga larawan ay makikita na iniiscan din di umano ng guard ang nasabing boarding pass. Talagang sobrang nakakaliw ang mga Pinoy dahil sa mga pakulo o gimik na hatid nila sa social media na talagang malilibang ka! 

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse