Viral: Clear View ng Sierra Madre Mountains Tanaw Mula sa Maynila Matapos ang Enhanced Community Quarantine!




Isang netizen ang nakakuha ng isang madalang at clear na view ng Sierra Madre Mountains mula sa view ng Metro Manila. Ang larawan ay kuha ng isang netizen na nagngangalang Johair Addang na kinunan matapos ang isang lingo ng enhanced community quarantine na inimplementahan sa buong Luzon.

Ang larawan ay agad namang nag viral sa social media. Ayon kay Johair ang larawan ay kuha niya noong lunes ng March 23 dakong alas singko ng hapon gamit ang Samsung s20 Ultra sa isang roofdeck sa Lumiere Residences na matatagpuan sa Pasig City kung saan nagtratrabaho si Johair. Dati rati raw ay nakikita niya ang view na iyan ngunit shadow lang na tila pulo pulupon ng mga ulap. 





Ngayon daw ay napansin niya na clear at walang shadow o mga ulap. Ayon kay Johair, madalas niya talaga itong makita dahil dito siya madalas tumambay kapag break nila sa opisina ngunit hindi pa niya nakita ang Sierra Madre ng ganitong detalye kaya naman kinuhanan niya agad ito ng larawan at ibinahagi sa social media.

Ang Sierra Madre ay ang pinakamahabang mountain range sa Pilipinas. Nagmumula ito sa Probinsya ng Cagayan mula sa norte hanggang sa Probinsya ng Quezon sa timog. Makikita na ang polusyon sa Maynila ay nabawasan kaya naman nakita ng visibly ang mga bulubundukin ng Sierra Madre dulot ng pagsuspende sa mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila. 

Comments

Popular posts from this blog

Nagulat Ang Bride Matapos Magpakita Ang Dating GF Ng Kanyang Mapapangasawa Sa Mismong Araw Pa Ng Kanilang Kasal

Dahil Sa Pusa, Nabunyag Ang Tinatagong Sikreto Ng Mister Sa Kanyang Misis

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito