Posts

Showing posts from April, 2020

Netizen, Gumawa ng Paper Flowers Para sa mga Frontliners Na Nag-Sakripisyo ng Kanilang Buhay!

Image
Nagpasalamat ang ilang Pinoy sa isang netizen na gumawa ng mga papel na bulaklak para sa mga lahat ng mga frontliners na nag-alay na kanilang buhay upang manggamot at labanan ang COVID19. Ayon sa report ng GMA News, isa ito sa mga paraang naisip ng netizen para magbigay pugay sa mga binansagang “unsung heroes” ng bayan. Bago ito, gumawa na rin daw ng mga bulaklak ang naturang netizen para sa naunang 100 na mga pasyente na nawalan ng buhay din sa ating bansa.
Ngayong patuloy na tumataas ang bilang ng mga kumpiramadong kaso ng coronavirus o COVID 19 sa Pilipinas, hindi maitatanggi na talagang napakahalaga ng ginampanang tungkulin ng mga frontliners particular na ang mga doctor, nars, medical staff, pulis, sundalo, barangay officials at iba pa. Ngunit sa kasamaang palad, hindi naiwasan na mamaalam ang ilan sa kanila dahil sa pakikipaglaban sa nararanasan natin na ito.




At bilang pagpugay sa mga magigiting na doctor na nagsakripisyo ng kanilang buhay para sugpuin ang COVID 19, naisipan ng…

Lamok na Kakaiba, Nag-Viral sa Social Media!

Image
Nakapukaw sa pansin ng maraming netizens ang isang facebook post tungkol sa isang klase ng insekto na karaniwang nakikita ng mga Pinoy. Ang insekto na ito na mukhang lamok ay may mahalaga palang papel sa kapaligiran. Dahil ang insekto kasi na ito ay naninira ng mga itlog ng ipis at ito rin ay hindi nakakapaminsala sa mga tao. 
Kalimitang itinuturing na mapaminsala sa ating mga tao ang mga insekto tulad ng lamok sa kapaligiran. Bukod sa sila ay maaring pagmulan ng karamdaman dahil sa kung saan-saan sila dumadapo, sila rin ay nangangagat or nangunguha ng dugo sa ating balat. Ngunit hindi pala lahat ng insekto ay mapaminsala sa ating mga tao. Sa isang facebook post na nakapukaw sa pansin ng maraming mga netizens, ipinaliwanag kung ano ang papel ng isang insekto sa ating kapaligiran. 




Ang insekto na ito na mukhang lamok ngunit ang mga binti ay parang gagamba ay isa umanong “Evania Appendigaster”. Inilarawan ang Evania Appendigaster na isang unusual wasp. Isa itong klase ng insekto na kar…

Pamilya Sa Jeep Na Lang Muna Nakatira Dahil Napalayas Sa Inuupahang Bahay

Image
Nawalan na ng hanap buhay, pahirapan kumita ng pera, napalayas pa sa inuupahang bahay. Iyan ang karaniwang sitwasyon na nararanasan ng isang pamilya na ito sa NS Amoranto sa Quezon City. 
Simula noong pinatupad ang enhanced community quarantine ay labis na naapektuhan ang ilang mga namamasadang jeepney drivers dahil pansamantalang itinigil ang kanilang paghahanap buhay. At dahil dito may ilang pamilya na pinili na lamang manirahan sa kanilang mga pinapasadang jeep dahil hindi na sila makabayad sa inuupahang bahay.
Ibinahagi ang kasalukuyang kalagayan ng isang pamilya na ito ni Bernadette Reyes sa pamamagitan ng isang Facebook post. Aniya,
"Pamilya ng mga jeepney driver nakatira ngayon sa pinapasadang jeep dahil wala nang pambayad sa upa mula nang matigil ang byahe. Umaasa sila sa mga dumaraang motorista para maitawin ang pangkain araw-araw. Sa jeep sila natutulog at kumakain habang sa gilid ng kalsada sila nagluluto at naglalaba.
Makikita na nakahakot na ang kanilang mga gamit sa…

Mag-asawa na Chichiryang Bangus na Lamang ang Kinakain, Ngayon ay Totoong Bangus na ang Kinakain Dahil sa Donasyon

Image
Magpasalamat tayo sa kung ano ang meron tayo ngayon. Magpasalamat ka kung may tahanan kang natitirahan at higaang natutulugan dahil karamihan sa atin walang maayos na tirahan at komportableng matutulugan. Magpasalamat ka kung may pagkaing nakahapag sa inyong hapag-kainan dahil ang iba ay ipinapalipas ang oras at itinutulog ang kumakalam na sikmura. Iba-iba man ang nararansan at kwento ng ating buhay, ang mahalaga, hindi tayo nakakalimot na tumulong at tulungan ang ating kapwa.
Katulad na lamang ng kwento ng dalawang matandang mag-asawa na ito.  Kung inyong natatandaan ang kanilang inuulam na lamang ay ‘chichiryang bangus’ dahil ito lamang ang kaya nilang bilhin sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ).



Pero dahil sa mga taong may mabubuting puso at busilak na kalooban, sila at nakatanggap ng tulong at sa wakas ay nakakain ng totoong bangus!
Ang kalungkutan ng matandang lalaki, na kinilalang si Tatay Ricardo, at ang kanyang asawa ay ibinahagi sa social media ng isang netizen na si …

Magsasaka sa Sultan Kudarat, Pinuri Dahil Ipinamigay ang mga Inaning Kalabasa

Image
Isang magsasaka mula sa Tacurong City ang ipinamigay ang kaniyang mga inaning kalabasa sa mga residente. Kahit medyo hirap din sa buhay, naisip pa ni manong tumulong sa mga mas nangangailangan. Papuri at paghanga naman ang ibinalik ng mga netizens sa kaniya. Sa panahon ngayon, kung saan halos lahat ng ating kababayan ay kapos, tila hulog ng langit ang mga taong busilak ang puso at handang mamahagi ng kanilang biyaya sa iba.
Kagaya na lamang ng Tacurongon na si Manong Victor Agpalasa, isang magsasaka sa Barangay Baras, Tacurong City. Ipinamimigay niya ang mga inani niyang kalabasa sa mga residente. Ibinahagi ng Tacurong Tambayan social media ang larawan ni Manong Victor at mga bagong ani niyang kalabasa. Alam nating hirap din ang mga magsasaka ngayon. Matumal kasi ang bentahan dahil sa lockdown subalit naisipan pa rin ni manong na ipamigay ito kaysa pagkakitaan.





Sumikat na si manong sa kanilang lugar. Ang post ng Tacurong Tambayan ay mayroon ng 7.5K reactions at 17K shares. Sana’y mar…

Kamote o Kahoy? Higanteng Kamoteng Kahoy, Natagpuan sa Agusan Del Sur!

Image
Sa isang siyudad sa Agusan Del Sur, nadiskubre ng isang residente ang isang dambuhalang kamote na nasa timbang na 15 kilos. Ang kamoteng ito ay hindi na niluto ng nakakakita at balak isangguni sa Department of Agriculture para ipasuri. Kakaiba ang laki ng kamoteng kahoy na ito at hindi sigurado kung ligtas kainin. 
Ano-ano nga bang mga prutas ang malalaki? Kung iisipin, kakaunti lamang ang mga prutas na malalaki ang sukat, tulad ng pakwan. Ngunit alam mo bang kamakailan ay may natagpuang kamoteng kahoy na hindi normal ang laki? Sa facebook post ni Jhungie Soronio Librias, ibinahagi niya ang natagpuan niyang kamoteng kahoy na halos ay kasing haba na ng mga binti ng tao. 




Nang kiluhin, ang nasabing kamoteng kahoy ay mayroong bigat na umaabot ng 15 kilo. Ang dambuhalang kamoteng kahoy na ito ay natagpuan sa Sitio Wilderness sa Mt. Carmel sa siyudad ng Balugan sa Agusan Del Sur. Sa kuwento ng uploader, pumunta umano siya sa Sitio Wilderness upang kumuha sana ng gulay na maluluto. Ngunit …

Pamilya Sa Bulacan, Namigay Ng Mga Bangus Mula Sa Kanilang Palaisdaan At Sinamahan Na Rin Ng Bigas

Image
Sa panahon ng krisis na nararanasan ng ating bansa, makikita pa ring ang pagbabayanihan ng mga Pilipino. Nakakatuwang isipin, na kahit hirap ang karamihan sa mga pamilya ngayon ay marami rin namang mga tao na handang tumulong sa kanilang kapwa. 
Isang patunay na lamang ang isang pamilya na ito na taga Malolos City sa Bulacan. Ang nasabing pamilya ay mayroong sariling palaisdaan pero imbes na ibenta ang kanilang mga nahuling bangus ay pinili nila na ipamigay na lamang ito sa kanilang mga kabarangay.
Ibinahagi ng Facebook page na Balitang Bulacan ang larawan ng mga banye-banyerang isda na nakasakay sa isang trak. Makikita na ipinagkaloob ang biyayang ito ng JVR Consignacion at Pamilya.
Caption ng post,
"Umuulan ng Bangus!
Isang pamilya ang inani ang kanilang bangus at ipinamigay sa mga kabarangay nito sa Panasahan, City of Malolos at sinamahan din ng bigas!
Thank you JVR Consignacion at Pamilya."
Laking tuwa ng mga residente ng Panasahan dahil sa biyayang nakarating sa kanila. N…

Boracay Island, Nagmistulang Paraiso Dahil sa Katahimikan Dulot ng Enhanced Community Quarantine!

Image
Nakapukaw at napansin ng mga netizens ang ibinahaging ito na litrato ng Boracay Island na nagpapakita ng kalagayan nito ngayon. Makikita na kasi ngayon ang tunay na ganda ng isla dahil sa nawalang mga turista at mga saradong establisyimento sa lugar. Ayon sa uploader ng mga litrato, nagmistulang, “surreal” ang isla dahil na rin sa katahimikan at kapayapaan nito. 
Makikita ngayon sa social media ang iba’t ibang litrato ng kalagayan ng kapaligiran sa Maynila habang sumasailalim sa enhanced community quarantine. Ngayon kasi ay mas maaliwalas na ang mga kalsada at mas tanaw na ang mga lugar na hindi namna dati nakikita. Sa pagkawala ng mga pampublikong transportasyon at pagkonti ng mga sasakyan sa kalsada, kasabay pa ng hindi paglabas ng mga Pinoy sa kanilang bahay, nabawasan ang polusyon sa buong Maynila.




Ngunit hindi lang ang lugar ng Maynila ang nagkakaroon ng mabuting kalagayan dulot ng quarantine. Sa facebook post, na ibinahagi ng isang netizen, ipinakita rin ang nakakamanghang pagb…

Pulubi, Pinamalas ang Social Distancing sa Panlilimos sa Gitna ng COVID!

Image
Nakuhanan ng larawan ang isang babae matapos itong makitang nanlilimos sa kalye at gumawa ito ng paraan upang masunod ang patakaran ngayon ng social distancing sa COVID. Idinugtong nito sa kahoy ang isang maliit na plastic upang hindi niya kailangang lumapit sa mga tao. Subalit ang pagpapalaboy laboy nito sa kalye ay hindi parin tama dahil sa ipinapatupad na enhanced community quarantine.
Laging paalala sa atin ng mga eksperto na magkaroon ng social distancing sa isat-isa upang maiwasan ang pagkalat ng COVID. Ipinatutupad ito kahit saan maging sa mga sasakyan at pampublikong lugar. Kaya ang bawat mamamayan ay nagkaroon ng kaniya-kaniyang paraan upang masigurong nasusunod ito.




Sa mga supermarket, nilalagyan ng marka ang sahig para maging palatandaan ng mga mamimili lalo na kapag pumipila sa pagbabayad. Ang mga TV reporters, naglalagay na ng mga mga extension sa mikropono upang makapagtrabaho pa rin kahit na nakadistansya sa iniinterbyu. Nabago na nga ang ating buhay dahil sa social d…

Wais Misis Nakatanggap Ng P6,500 Na Ayuda, Ginawang Panimula Ng Maliit Na Negosyo

Image
Maraming tao ngayon ang nahihirapang makahanap ng pera dahil sa natigil ang mga trabaho at negosoyo. Kaya naman no choice dahil talagang pinagkakasya lamang ang natitirang pera pambili ng mga esensyal na pangangailangan. 
Ngunit ibahin natin ang mga madiskarte at business minded na tao, dahil kahit ang kakaunting perang natatanggap nila na ayuda ay napapalago nila at ginawa nilang kapital na panimula sa kanilang negosyo. 
Katulad na lamang ng wais na misis na ito na taga San Mateo, Rizal. Ayon sa 24 taong gulang na si Joverly Arellano, nakatanggap siya ng Php6,5000 mula sa social amelioration benefit. Dahil sarado ang kanyang maliit na negosyong computer shop, walang kinikita ang kanyang pamilya.
At noong makatanggap siya ng pera, ay dumiretso ito agad sa pamilihan. Ang Php3,500 ay inilaan niya para sa mga pangangailangan ng kanyang dalawang anak, samantalang ang natirang Php3,000 ay ipinambili niya ng mga karne, noodles, at iba pang sangkap.
Hindi lamang ito para sa kanyang pamilya,…

Filipino Pride! Isang Pinoy Iskolar sa Europa, Nagtapos Bilang Summa Cum Laude sa Kaniyang Master’s Degree!

Image


Iba talaga ang galing ng mga Pilipino at kahit sa ibang bansa ay kapansin-pansin na kaya nating makipagsabayan sa mga dayuhan sa kahit na ano pa mang larangan ng buhay.
Sa katunayan, kamakailan lamang ay isa na naman nating kababayan ang nagtaas ng bandera ng Pilipinas sa Europa matapos siyang magtapos bilang Summa Cum Laude sa kaniyang Master’s Degree!

Siya ay walang iba kundi si Ken Tangcalagan at nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Nursing and Associate in Health Science Education sa Univeristy of San Jose- Recoletos sa Cebu. Matapos nito ay nakapagtrabaho siya bilang isang nurse sa Perpetual Succour Hospital. 


Sa kabutihang palad ay napabilang din siya sa mga nabiyayaan ng pagkakataon na maging iskolar ng Erasmus Joint Masters Degree in Comaprative Local Development noong buwan ng Mayo taong 2017. Sa pamamagitan ng programang ito na magtatagal ng dalawang taon ay maari siyang makapag-aral sa Europa at pwede niyang masubukan ang iba’t ibang paaralan doon!

Noong unang semestre a…