70-Anyos na Lola, Nag-Viral Matapos Ipinamigay ang mga Panindang Grocery sa mga Kapitbahay




Bumilib ang mga netizens sa isang lola na taga Cainta, Rizal matapos niyang ipamahagi sa kanyang mga kapitbahay ang mga grocery items sa loob ng kanyang sari-sari store. Agad na nag-viral ang 70 anyos na si Nanay Belina sa social media dahil kanyang pinamalas na kabaitan sa kanyang mga kapitbahay.

Ayon sa News5, maagang nagsara ng tindahan si Nanay Belina para maipamahagi sa kanyang mga kapitbahay ang laman ng kanyang sari-sari store. Sa mga larawan, mapapansin na hindi kalakihan ang tindahan ni lola ngunit ito ay kaniyang binuksan para sa mga tao na nangangailangan ng supplies na makakain o maiimbak dahil inanunsyo na ang buong Luzon ay magkaroon ng lockdown.





Bagama’t kahit na maliit lamang ang kanyang paninda ay may laking puso naman si lola para sa kanyang mga kapitbahay. Kaya naman tuwang-tuwa ang mga netizens dahil malaking bagay na ang nagawa ni lola upang makatulong sa kanyang kapwa. Sa ngayon kasi ay tumataas ang bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 sa ating bansa kaya naman ay isinakatupad na ang enhanced community quarantine.

Napakalaki at napakataba ng puso ni Nanay Belina dahil ito ay kanyang ginawa ng bukal sa kaniyang loob. Malaking tulong ito at talagang maiisip natin na ito ay pagpapalain ng Panginoon sa kaniyang pagmamagandang loob na ginawa sa mundo.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!