80 Years Old Na Lolo Na Hindi Nakauwi Dahil Inabutan Ng EQC, Sa Lansangan Muna Nanirahan


Mayroong mga manggagawa na nai-stranded noong ipinatupad ang EQC o enhanced community quarantine sa buong Luzon. Noong nagsimulang isara ang NCR, ay marami pa ring mga manggagawa na hindi nakauwi sa kani-kanilang mga probinsya. 

At isa na rito ang isang 80 taong gulang na lolo na mula sa Macabebe, Pampanga. 

Ibinahagi ng isang netizen na si Mae Ann Hao-Reginaldo ang kahabag-habag na istorya ng isang matanda na nakita niyang nanunuluyan na lamang sa lansangan habang ipinatutupad ang lockdown sa buong Luzon.

Nakilala niya ang matanda bilang si Lolo Antonio. Kwento ng netizen na simula noong pumutok ang Bulkang Pinatubo at natabunan ng lahar ang mga bahay, palayan at nawalan ng kabuhayan sa Gitnang Luzon ay hindi na muling nakapag-saka ang matanda.

Kaya minabuti nito na makipagsapalaran noon sa Maynila upang mabuhay hanggang nakilala niya roon ang kanyang asawa. 

Noong nangyari ang EQC, ay nasa Cubao si Lolo Antonio upang maghanap ng mga nagpapagawa ng payong sa kanya. Habang siya ay papauwi sa Batasan Hills ay nakasalubong nito ang kanilang mga kapitbahay ay nalaman na isinama raw ng kanyang biyenan ang kanyang misis pauwi sa Bicol.

Walang hawak na cellphone ang mag-asawa kaya hindi nila nakakausap ang isa't isa habang sila ay magkalayo dahil sa lockdown. 

Kapag hindi siya uumuwi sa kanila ay sa labas ng isang pawnshop sa P. Tuazon naglalagi si Lolo Antonio. Wika ng netizen na ipinakita raw sa kanya ng matanda ang kanyang mga kagamitan sa pag-aayos ng payong. 

Noong binigyan raw ito di umano ng netizen ng tinapay ay binigyan naman siya ng mansanas dahil hindi naman niya raw ito manguya. Inabutan rin siya ng netizen ng vitamin C dahil hiling niya ito.

Kwento ng matanda na binibigyan naman daw siya ng pagkain ng mga pulis sa checkpoint. Ngunit umaasa lamang talaga siya sa mga kabutihan ng mga taong nadadaanan siya.

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!