Barangay Sa Sorsogon Naglagay Ng "Kindness Station" Na Kung Saan Maaaring Kumuha Ng Libreng Pagkain Ang Mga Residenteng Walang-Wala Na


Marami sa ating mga kababayan ang lubos na naapektuhan dahil sa lockdown, karaniwan na rito ang mga manggagawa na arawan lamang ang sweldo at ang mga mahihirap na pamilya. Nagbibigay naman nga ng ayuda ang gobyerno sa mga pami-pamilya, ngunit para sa ilan ay hindi ito sapat para buhayin ang kanilang buong pamilya.

Mabuti na lamang at mayroong mga mabubuting mga kababayan na nakaka-angat sa buhay na nagpapaabot ng kanilang tulong sa kanilang kapwa. Isang patunay na rito ang ilang mga barangay sa Sorsogon na kung saan naglagay sila ng "kindness station."

Ang kindness station na ito ay inilunsad upang magbigay ng libreng relief goods sa mga residenteng walang-wala na talagang pambili ng mga pagkain at mga supply sa panahon ng Enhanced Community Quarantine.

Ang mga kapus palad na residente ay maaaring kumuha ng mga supply na kanila lamang kailangan katulad ng gatas, kape, bigas, de lata, prutas, instant noodles, sabon, shampoo, toothpaste at mga washable face masks.

Maaari rin namang magbigay ng donasyon na kung ano ang mga residenteng nais makatulong sa kanilang kapwa. 

Mula sa Facebook page ng The Kindness Station, ang motto nila ay "Give, Share, Receive." Layunin nila na makapagbigay ng motibasyon sa iba na tumulong sa ating mga kapwang walang-wala na talaga.

Ayon sa kanilang caption, 

"KUMATOK LANG HUWAG MAHIHIYA.

Kung magkapitbahay tayo at walang-wala ka, walang trabaho at wala nang makuhanan, pakiusap wag kang matulong na walang laman ang tiyan. Huwag kang mahiya o matakot na mag private message sa akin. Hindi kami mayaman pero we will be more than happy to share whatever food we have. There will absolutely be no judgement. It's now our turn to show kindness during these difficult times."

Ang mas nakakatuwa pa sa kanilang ginawa na ito, kahit na maraming tao ang nangangailangan ng mga pagkain at gamit sa panahon ngayon ng crisis, ay mas dumarami pa ang mga taong nais makatulong at makapagbigay ng donasyon sa pamamagitan ng kindness station na ito.

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay