Black Power Ranger Na Nakitang Nag-Grocery, Kinaaliwan Ng Mga Netizens


Dahil sa nagkaka-ubusan na ang personal protective equipments (PPE) dahil sa banta ng Covid-19. Ang ilang mga tao ay gumagawa na lamang ng mga improvised na kagamitan panlaban sa virus. Makikita na maging sa mga ospital ay halos mga improvised na mga PPEs na lamang ang kanilang ginagamit dahil wala ng mga stock ng masks, gloves, face shields at protective gowns.

Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang pakulo ng ilang mga netizens tungkol sa kanilang iba't ibang paraan kung papaano nila pinoprotektahan ang kanilang mga sarili laban sa pagkalat ng virus. 

Noong isang araw lamang ay nag-viral ang isang netizen na lumabas ng bahay suot ang full costume ng sikat na international series na 'Money Heist' at nakitang namimili sa palengke. At nitong lang na naman ay muling nag-viral ang isa namang netizen na nakitang naka-suot ng black power ranger na costume habang bumibili sa isang grocery store.

Ibinahagi ng netizen na si Paolo Belleza ang larawan niyang suot ang black ranger costume na may caption na,

"Define PPE

I'm pretty sure this ranger cheered up some people today."

Makikita na nagsilbing personal protective equipment ang suot suot na costume dahil balot na balot ang kanyang katawan mula ulo hanggang paa. Naka-body suit ito na may kasama pang gloves, boots at helmet. Kaya kung proteksyon talaga ang pag-uusapan ay tiyak na protektado nga siya.

Ngayon ay nagsisilabasan na talaga ang pagiging malikhain ng mga Pinoy lalo na't nagkakaubusan na ng mga kagamitan. 

Bukod sa naging proteksyon niya ang kanyang Black Ranger costume ay nakapaghatid aliw rin siya sa mga netizens lalo na't sobra-sobrang stress na ang ating nararanasan sa panahon ngayon. Wika ng isang netizen na marami raw ang nais magpa-picture sa kanya kahit sa malayo dahil pina-praktis daw nila ang social distancing.

Samantala, may mga ilang netizens naman na nakaisip na rin gamitin rin ang kanilang mga lumang costume kung wala na talagang PPEs na magagamit.

Narito ang ilang komento ng mga netizens tungkol dito,

"Haha sayang di ko nakita si black ranger kanina sa shopwise."

"Daming tawa here. Thanks for bringing laughter to me. We really need good vibes like this. Kudos!"

"I'm proud of you sir. Tsaka san po makakabili ng costume na yan?"

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse