Dahil sa Programang 4Ps ng DSWD, Nakapagtapos sa Kolehiyo ang Babaeng Ito na Mahirap Lamang Noon Pero Licensyado na Ngayon



Ngayong buong mundo na ang apektado ng COVID-19 lalo na ang Pilipinas, kinailangan nang umaksyon ng gobyerno para sa ating bansa. Dahil sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa Luzon ay natigil sa paghahanap-buhay ang karamihan at ngayo'y pinoproblema nila kung saan kukunin ang kanilang mga pang-araw araw na pangangailangan, kaya naman inaprubahan na mismo ng Presidente ang pamimigay ng pera bilang tulong sa mga pamilyang lubos na nahihirapan.

Kasama sa mga makakakuha ng ayudang ito ay ang mga pamilyang kasama sa programa ng DSWD na Pantawid Pamilyang Pilipino Program o ang tinatawag na 4Ps, kaya lamang ay binabato ng maraming kontrobersya sa ngayon ang nasabing programa. 


Hindi kumbinsido ang ibang tao sa mga pamilyang sakop ng 4Ps dahil ang ilan umano sa mga ito ay gagamitin lamang sa bisyo at sugal ang matatanggap na ayuda samantalang maraming ibang tao ang lubos na nangangailangan ng tulong ngunit hindi mabibigyan. 

Usap-usapan ang kagustuhan ng ilan na tuluyan nang alisin ang programa ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay mayroong isang guro ang makakapagpatunay na may magandang naidudulot ang 4Ps para sa mga katulad niyang minsan nang sobrang naghirap. 




Siya ay si Mariemel Domingo, kabilang ang kanyang pamilya noon sa programa at dahil rito ay natulungan siya ng ahensya upang makapagtapos ng pag-aaral. Libre ang naging matrikula nito at mayroon ring nakalaan na pera para naman sa kanyang mga libro. Isang tricycle driver ang ama nito habang ang kanyang ina ay nananatali lamang sa kanilang tahanan. 


Nang makatapos si Mariemel sa kolehiyo ay binayaran rin ng ahensya ang review center kung saan siya nag-enroll bago ang kanyang board exams. Malaking bagay ang kanyang pagtatapos dahil makakahanap ito ng mas magandang trabaho at kalaunan ay magagawa na niyang maiahon ang kanyang pamilya mula sa kahirapan. 





Ngayon ay ganap na itong lisensyadong guro at isang patunay na may magandang napatutunguhan ang suporta ng ahensya para sa mga katulad nilang kapos-palad. 



Hiling ni Mariemel na maipagpatuloy sana ang mga ganitong klase ng programa dahil napakalaking bagay ang kahit gaano mang kaliit na tulong para sa mga totoong nangangailangan.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera