Delivery Guy Pinambibili Ng Tinapay Ang Mga Tip Na Kanyang Nakukuha Para Ipamigay Sa Mga Taong Nakakasalubong Sa Kalsada


Hindi lamang mga nurses at doktor ang masasabing frontliners ngayong panahon ng enhanced community quarantine o EQC. Kung tutuosin, napakarami pang mga frontliners tulad ng mga security guards, janitors, grocery staff, delivery man, etc. ang nagbubuwis ng kanilang buhay mabigay lamang ang kanilang serbisyo sa publiko.

At talaga namang kahanga-hanga sila dahil bukod sa kanilang serbisyong inihahatid ay nagagawa pa nilang tumulong sa kanilang kapwa. Isang patunay na lamang ang isang delivery man na ito na ibinahagi ng netizen na si Raina Ominga.

Ayon sa netizen na nagmamay-ari ng Raina's bakery, ilang araw na raw pabalik- balik sa kanilang panaderya ang lalaki para bumili ng marami at iba't ibang klase ng tinapay. Sa kanilang pagtataka kung saan dinadala ng lalaki ang mga tinapay na ito ay kanila itong tinatanong.

"The pizza guy have been buying assorted breads from our bakery for the past few days. Our inner curiosity ends up us asking him kung pinapamigay ba ng Pizza hut yung breads.

Sabi ni Kuya, lahat daw ng nakukuha niyang tip everytime nagdedeliver siya, iniipon niya pambibili niya ng bread. Then pinapamigay niya sa mga taong nakikita niya sa kalsada along the way."

We were stunned!"

Napahanga at naantig si Raina sa kwento ng lalaki dahil kahit na hindi naman ganoon kalaki ang sahod na natatanggap ng isang delivery man ay nagagawa pa niyang tumulong sa mga taong nangangailangan lalo na sa panahon ngayon.

Nagsilbi rin namang inspirasyon ang lalaki sa mga netizens dahil isang lang naman siyang patunay na hindi hadlang ang kung anong estado mo sa buhay upang makapag bigay ng tulong. Hindi man ito ganoon kalaki para sa iyo ngunit para sa ibang tao ay napakalaking bagay na ito.

Narito ang ilang komento ng mga netizens tungkol dito.

"Saludo ako sa kanya! Di naman ganon kalaki kinikita niya at lalong di siya mayaman but in his own little way nakakatulong siya. Nahiya naman tuloy ako bigla. At imbes mag-abang siya sa bigay, siya pa namigay!"

"God bless your good heart Kuya. Pizza hut is lucky to have an employee like you."

"Dagdagan mo na lang ng konti yung ioorder niya next time. At least in a way pati ikaw naging blessings na rin sa iba. Spread bread and love."

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse