Demanding Na Babae Tinawag Na "Paasa" Ang Isang Donor Dahil Mas Nauna Raw Nakatanggap Ang Iba Kaysa Sa Kanya


Minsan ikaw kung sino pa ang taos pusong tumulong sa kanilang kapwa, sila pa ang nagmumukhang masama dahil sa mga sinasabi ng ibang tao sa kanila. Marami sa ating mga kababayan ang handang magbigay ng tulong sa kanilang kapwa lalo na ngayong panahon ng krisis. Ngunit mayroon talagang iba tao, na sila na nga ang iyong tinutulungan ay napaka-demanding pa nila.

Katulad na lamang ng naranasan ng isang company owner ng Sabrinacio Footwear. Ang businessman na si Shiwen Lim ay nagsagawa ng donasyon para sa kababayan na labis na naapektuhan ng enhanced community quarantine. 

Kabilang na sa kanyang mga natulungan at nabigyan ng mga relief goods ay ang mga construction workers at iba pa nating kababayan. At dahil napansin niya na marami ring mga ina na nanghihingi ng tulong pambili ng gatas at diaper para sa kanilang sanggol ay minabuti niyang mag-abot ng tulong rin sa mga ito.

Namimigay siya ng mga diapers, kahon-kahon na mga gatas at maging cash sa mga nanay na matindi ang kanilang pangangailangan.

Sa dami ng mga humihingi ng tulong sa kanya at naghihintay na sila ang mapili upang mapadalhan ng donasyon, may isang ina na nag-aapurang mabigyan na siya ng napangakong donasyon.

Nang mabasa ng babae na marami nang ina ang nakatanggap ng kanilang mga donasyon, ay minensahe niya ulit ang donor na si Lim at hinihingi na ang kanya. Sinabi pa niya na 'pinapaasa' lang daw ba siya at mahirap ba siyang tulungan at ang kanyang anak.
Nagbigay naman ng pahayag ang page ng Sabrinacio Footwear at sinabi,

"Ang hirap din tumulong minsan, sana lahat ng tinutulungan namin hindi kamukha ni ate. Parang kame pa masama at parang kasalanan namen bakit po siya nahihirapan ngayon. Ang dame niyo pong tinutulungan namen sana maging mahinahon lahat dahil minsan di na kame natutulog para lang ma-cater kayong lahat. Sa kabila ng pagtulong, gastos, puyat inihanda namen tapos ito lang makukuha namen."

Wika ng ilang netizen nasa sana ang mga nabibigyan ng tulong ay marunong rin maghintay at magpasalamat na lang sa anu mang tulong na iniabot sa kanila imbes na magreklamo pa sila.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!