Doktor, Ibinahagi Ang Karanasan Na Makapagtapos Sa Medisina Kahit Na Nagtitinda Lamang Sila Noon Ng Tsinelas


Tunay na nakaka-inspire ang mga istorya ng mga matagumpay na tao lalo na't kung alam mong pinaghirapan talaga nila ito. 

Wika ng isang doktor, "Hindi kasalanan ang ipanganak na mahirap. Ang kasalanan ay ang manatiling mahirap."

Ibinihagi ng doktor na si Erdie Fadreguilan ang kanyang naging karanasan at nang kanyang pamilya bago siya makapagtapos sa medisina. 

Sa isang post niya sa Facebook ay ibinahagi niya na hindi siya mula sa mayamang pamilya, sa katunayan noong bata pa siya ay parehong nagtitinda lamang ng tsinelas ang kanyang mga magulang sa isang public market. Parehas na hindi nakapagtapos sa pag-aaral dahil kinailangan ng kumayod sa murang edad.

Tatlo silang magkakapatid na magkakalayo ang agwat. At noong bata pa sila ay halos sa lola na nila sila lumaki dahil kailangan ng kanyang mga magulang na maagang gumising upang magtinda sa palengke.

Kwento pa niya na na sa public school sila nakapag-aral noong elementarya. Walang ibang damit o sapatos bukod sa kanilang uniporme sa eskwela. Kapag nga dadalo siya noong sa isang birthday party ay uniporme na lang din ang kanyang suot dahil wala naman silang ibang damit. 

Aniya, "Wala naman din kasing pera bukod sa ipampapaaral namin. Wala pa kasing 4P's noon."

Noong nakapagtapos siya sa highschool ay sumunod naman ang kanyang kapatid. Makakaluwag na raw sana sila noon ngunit sa kasamaang palad, nasunog ang palengkeng pinagtitindahan ng kanyang mga magulang kaya balik na naman sila sa simula.

Pagdating sa kolehiyo, kahit wala sila ay pinag-aral pa rin siya sa UST. Edukasyon lang daw kasi ang pwede magandang maipapamana ng kanyang mga magulang. Sinikap ng kanyang magulang na magbenta ng ilang mga gamit upang makapagbigay ng pamasahe at baon sa kanya. 

Matapos ang 4 na taong pagti-tiyaga ay nakapagtapos siya sa kursong BSPT at naging cum laude pa. Pagkatapos nito ay ipinagpatuloy niya ito sa kursong medisina at sa kabutihang palad ay nakakuha siya ng Dean's scholarship.

Nagsimula siyang mag house call ng therapy tuwing weekends at bakasyon para kahit papaano ay may pandagdag siya sa ibang mga bayarin sa eskwela. Matapos ulit ang 4 na taon ng pagsasakripisyo ay nakapagtapos siya sa medisina bilang Magna cum laude. 

Wika niya na noong panahon nila ay hindi pa uso ang mga 4P's na tulong ng gobyerno para sa mga mahihirap. At talagang dugo't pawis ng kanyang magulang ang kanilang ginugol upang siya ay makapagtapos at magkaroon ng magandang buhay.

Nawa'y magsilbi sanang inspirasyon ang kwento ni Dr. Erdie dahil hindi kasalanan ang ipanganak na mahirap. Ang kasalanan ay nasa tao na hindi gumagawa ng paraan upang siya ay umangat sa buhay. 

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera