Frontliner na Ama, Ibinalot ang Anak sa Plastik Para Lang Mayakap Ito!




Marami sa ating mga frontliners ang nagsasakripisyo na hindi umuuwi sa pamilya upang hindi mahawaan. Ngunit isang alagad ng batas ang gumawa ng paraan para lamang mayakap ang kaniyang anak. Isang frontliner din ang nagpahayag na malapit na niya itong gawin ngunit natatakot siya. Malaki ang sakripisyo ng ating mga frontliners upang magampanan nila ang kanilang mga tungkulin.

Malaki ang sakripisyo ng ating mga frontliners upang magampanan nila ang kanilang mga tungkulin. Kung tayo ay nababagot na dahil sa mag-iisang buwan na ang community quarantine, iba naman ang kuwento ng ating mga frontliners. Tinitiis nila ang halos hindi paguwi ng bahay dahil sa kanilang pagseserbisyo. Bukod pa riyan, may panganib nab aka mahawaan nila ang kanilang pamilya kapag sila ay umuuwi ng bahay kaya di bale nang malayo basta ligtas ang pamilya.





Subalit tao lang din sila, may damdamin at nananabik din sila sa kanilang pamilya. May mga pagkakataong gumagawa na lamang sila ng paraan upang mayakap pa rin ang kanilang anak. Kumalat ang larawan ng isang sundalo na ibinalot sa plastic ang kaniyang anak para lamang kaniyang mayakap. Nakaantig ang tagpong iyon. Hindi na siguro niya matiis ang tagal ng panahon na hindi nakapiling ang anak.

Maraming mga frontliners ang gumagawa nito. Medyo delikado pa rin para sa iba dahil may banta pa rin ng kontaminasyon. Ngunit may hangganan ang pagtitiis. At ang mga ganitong sandali ay kailangan ng iba upang patatagin ang loob sa pagbabalik nila sa tungkulin. Marami ang kinurot ang damdamin at isa na rito si Lester John Ponce. 

Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Netizen, Nahabag sa isang lalaking nagtitinda ng lobo na may kasamang anak na nakatulog

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Kasambahay na Pinag-aral ng Kaniyang Amo, Nakapagtapos ng Cum Laude