Lola Na Tindera, Tinanggihan Na Lamang Ang Mga Relief Upang Maibigay Na Lamang Ito Sa Mga Mas Nangangailangan


Dito sa ating bansa, kahit na nagbibigay na ng ayuda ang ating gobyerno sa ating mga kababayan sa panahon ng enhanced community quarantine, di maikakaila na marami pa ring mga Pilipino ang walang bukam bibig kundi puro pambabatikos at pagrereklamo sa ating gobyerno.

Minsan kung sino pa ang natulungan, sila pa ang mas mareklamo kumpara sa mga hindi naaabutan talaga ng tulong. Sana ay maging inspirasyon ang kwento ng isang matandang vendor na ito dahil imbes na umasa siya sa mga ayuda at relief goods na ipinamimigay ay mas pinili niyang tanggihan na lamang ito para maibigay sa mas nangangailangan.

Ang 72 taong gulang na lola ay nakilala bilang si Huang Lai Mei na taga Seremban, Malaysia. Makikita ang lola na tindera na nagtutulak ng kanyang kariton sa mga kalsada ng Seremban kaya't nabansagan rin siyang "Snacks Grandma."

Hindi naman siya mayaman, ngunit ginulat niya ang karamihan dahil sa pagtanggi niya sa mga relief goods at pinansiyal na donasyon na iniaabot sa kanya. Ang kanyang rason ay dahil ayaw niyang maubusan ang ibang tao na mas nangangailangan ng mga tulong na ito. 

Matanda man raw siya ay kaya pa rin naman niyang suportahan ang kanyang sarili at mayroon naman siyang sapat na pagkain na magtatagal naman ng ilang linggo.

"If I take what is offered to me, it will deprive others of the food. Besides, I am physically able to support myself. I have hands and feet, I can still support my self.",wika niya.

Ang isang bagay lang raw na hindi niya tinanggihan ay noong mayroong isang volunteer na nagbigay sa kanyang ng face mask habang siya ay bumibili sa grocery. Maliban doon ay hindi niya tinatanggap ang ibang mga binibigay sa kanyang relief.

Sana ay magsilbing inpirasyon ang lolang ito sa ibang tao lalo na sa panahon ngayon ng crisis. Imbes na tumulong sa ibang mas nangangailangan ay mayroon pang nananamantala. At minsan kung sino pa ang mas malakas ang katawan ay sila pa ang walang ginagawa at umaasa na lamang sa tulong na mula sa gobyerno.

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa