Mabait Na Lalaki Inabutan Ng Pera Ang Isang Customer Sa Grocery, At Ito Naman Ay Agad Na Ipinambili Niya Ng Gatas Para Sa Anak



Sabi nga nila, basta darating na lamang ang grasya sa di mo inaasahang pagkakataon. Sa hirap ng buhay na ating nararanasan ngayon, maraming pamilya ang nagtitiis na lamang muna dahil nahinto ang mga hanap-buhay dahil sa quarantine.

Gayunpaman, bukod sa tulong na ibinibigay ng gobyerno ay mayroon pa ring mga mabubuting tao na handang tumulong sa kanilang kapwa. Mayroong mga nagsasagawa ng mga fund raising campaigns at kung ano-ano pa para makalikom ng mga donasyon para maibigay sa mga mas nangangailangan.

Nasaksihan ng isang netizen na si Marianne Ercillo ang kabutihang loob na ipinamalas ng isang lalaki sa kanyang kapwa habang sila ay nasa supermarket sa SM Southmall.

Bahagi ng netizen na habang naghihintay sila sa pila sa cashier ay mayroon siyang kaharap na isang lalaki na nakaputing t-shirt na suot at sa kabilang isle ay mayroon namang isang lalaking naka dark green. 

Marahil napansin ng lalaking nakaputi ang estado sa buhay ng lalaking naka dark green kaya naman nilapitan niya ito at basta na lamang nag-abot sa kanyang ng pera.

"I saw the guy in white lumapit kay manong na naka-dark green sabay discreetly nag-abot ng blue bills (1k peso bills, just not sure kung ilan)," wika ni Ercillo.

Makalipas ang ilang sandali ay umalis ang lalaking naka-dark green at iniwan ang kanyang push cart. Matapos ng dalawang minuto ay bumalik raw ito at may dala-dala pang dalawang extra pack ng Bear Brand.

Binalikan niya ang lalaking naka-puti at nagpasalamat ito sa kanya at sabi,

"Maraming salamat po, pandagdag sa gatas ni baby."

Hindi naman nakilala kung sino ang mabait na lalaki na nagbigay ng pera dahil suot-suot nito ang kanyang face mask. Ngunit maraming netizens ang pumuri sa kabaitang kanyang ginawa sa kanyang kapwa.

Hinangaan rin siya ni Ercillo at idinagdag sa caption,

"Kay sir na naka white, mabuhay po kayo! May God bless you more! Indeed, angels are among us. Kay manong na naka dark green, kapit lang po."

Source: Facebook

Comments

  1. Kung minsan ang Dyios na nasa langit ay bumababa sa lupa upang ipamalas ang kabutihan sa kapwa sa pamamagitan ng isang indibidwal na Kung saan sya ay hindi mo makilala.. Buhay po ang Dyios...

    ReplyDelete
  2. My mga angel sa lupa na nagkatawang tao para tumulong sa wala.god bless kuya nakawhte.

    ReplyDelete
  3. More blessings to come for u sir..and godbless .pagpalain poh kayu ng ating panginoon...

    ReplyDelete
  4. Nice Kua oh sir napakabuti nio sa qinawa nio Kay kua at xa dn naqpasalamat xa nq marami may qod bless us ohh lord

    ReplyDelete
    Replies
    1. At Sana marami dn matulunqan sa tulad nio mabuti anq puso...

      Delete
  5. Un talaga ang totoong tulong ksi dna pinaalam kng sino cya..I salute u sir...

    ReplyDelete
  6. Sana dumami kapa kuya mabait

    ReplyDelete
  7. god bless u more sir in white shirt and kuya in dark green just keep the faith.

    ReplyDelete
  8. Sana lahat ng may pera kagaya m sir pagpalain kpo kayo

    ReplyDelete

  9. Magpray lng at d tau pbbyaan ng dyos.

    ReplyDelete

Post a comment

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa