Mabait Na Lolo, Namahagi Ng Biskwit Sa Mga Bahay-bahay Bilang Tulong


Ika nga, hindi hadlang kung ano ang estado mo sa buhay upang tumulong sa iyong kapwa. Kahit na kapos ka, kung bukal sa loob mo talaga ang tumulong kahit na sa maliit na bagay ay tutulong at tutulong ka pa rin.

Sa pandemic na nararanasan ng ating bansa ngayon, marami sa ating mga kababayan ang nangangailangan ng tulong. Ang iba kahit na gusto nilang pumasok sa kanilang mga trabaho upang kumita ng pera ay wala silang magawa dahil sarado ang mga kumpanya. Ang ilan ay nakaasa na lamang sa kung anong ibibigay na relief goods ng kanilang lokal na pamahalaan.

Ngunit sa kabila ng ating nararansan ngayon, mayroon pa ring mga tao kahit na sa maliit na bagay ay nagpapaabot sila ng tulong sa kanilang kapwa. Katulad na lamang ng isang mabuting lolo na ito na namahagi ng mga biskwit sa kanyang mga kapitbahay.

Ibinahagi ang larawan ng matanda ng isang netizen na si Ter Dee sa kanyang Facebook account na may caption na,

"It's true what the say... the poor people are often the most generous. Lahat magulo, si Tatang relax lang sa pamimigay ng Hansel. #SpreadLoveNotHate"

Sa katunayan, pinapahintulutang lumabas ang mga senior citizens sa panahon ng enhanced community quarantine dahil mas 'at risk' silang madapuan ng Covid-19. Alam naman siguro ito ng lolo kaya't kahit nagbahay-bahay siya sa pamimigay ng mga biskwit ay mayroon itong suot na face mask.

Marahil maraming netizens ang nangamba para sa kalagayan ni tatay ay hinangaan pa rin ang kanyang kabutihang loob upang mag-abot kahit na maliit na tulong sa kanyang kapwa. Kahit na dadalawang crackers ang naipamahagi ng matanda kada bahay ay tiyak na malaking tulong na ito para sa ilan.

Nawa'y magsilbing inspirasyon si tatay sa ibang tao lalo na sa mga nakakaangat sa buhay lalo pa't ngayon na marami ang talagang nangangailangan ng tulong. 

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Kalunos-lunos Ang Sinapit Ng Isang Nanay Matapos Siyang Buhusan Ng Kaning Baboy Ng Kanyang Anak

Mabait Na Security Guard Tinulungan Ang Isang Bata Na Nakatulog Sa Kalsada

Isang Ina na madalas kasama ang anak sa trabaho at pag-aaral, Nakapagtapos ng Kolehiyo dahil sa sipag at tiyaga