Mag-asawang Nagtitinda Sa Palengke, Piniling Mamigay Na Lamang Ng Mga Lutong Pagkain Kahit Na Walang Kita



Sa crisis na nararanasan ng ating bansa ngayon, kahit papaano ay makikita ang pagkakaisa at pagtutulungan ng ilan sa ating mga kababayan. Ang ilan na pansamantalang natigil sa kanilang mga trabaho dahil sa ipinatupad na malawakang enhanced community quarantine, ay nananatili na lamang muna sa kanilang mga bahay-bahay upang ma-protektahan ang kanilang mga sarili laban sa Covid-19.

Nahinto din ang operasyon ng ilang mga negosyo kaya't marami ang walang kinikita. Ngunit hindi nagpatinag ang mag-asawang ito na tumulong sa ating mga frontline healthworkers kahit na wala silang kinikita sa kanilang maliit na negosyo sa palengke.

Proud na ibinahagi ng netizen na si Rose Cruz Salvador sa kanyang Facebook account ang kanyang tatay at nanay na naghahanda ng mga pagkain para sa mga health workers ng ospital ng Malolos. Aniya, na matanda na ang kanyang mga magulang at mayroon lamang silang maliit na sari-sari store sa Malolos public market ngunit kasalukuyang sarado dahil sa enhance community quarantine. 

Kaya naman sa ngayon ay wala silang source of income. Ngunit gayunpaman, mas pinili nilang tumulong at ibahagi kung anong meron sila para sa kanilang kapwa lalong lalo na sa mga 'hero' natin na frontline workers.

Kahit na parehong senior citizens na si Tatay Rey at Nanay Baby ay tuloy pa rin ang kanilang ginawang paghahanda ng mga pananghalian sa mga health workers. Sila mismo ang nagluto at naglagay sa mga lalagyan ng mga pagkain. 

Makikita na naghanda sila ng kanin at ulam saka inilagay sa mga lalagyan na may kasama na ring mga kubyertos. 

Wika ni Nanay Baby, na hindi naman niya inaasahang magvi-viral silang mag-asawa dahil sa ginawa nilang ito. Ginagawa nila iyon dahil naranasan nila noon na walang-wala sila at ngayon ay nais nilang ibalik sa kanilang kapwa ang mga biyayang natatanggap nila sa Panginoon.

Napakabuti po ng inyong kalooban Tatay Rey at Nanay Baby. Nawa'y pagpalain pa kayo ng Diyos at magsilbi kayong inspirasyon sa ibang tao para tumulong.

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Netizen, Nahabag sa isang lalaking nagtitinda ng lobo na may kasamang anak na nakatulog

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Construction Worker At Kanyang Asawa, Nakaipon Ng Pampagawa Ng Bahay Gamit Ang 'Php50 Ipon Challenge'