“Maghanap ng Babaeng Mamahalin ka Kahit Mahirap ka”, Payo ng Isang Netizen Tungkol sa Pag-Aasawa




Mula noon hanggang ngayon ay malaking batayan ng pagpili ng mapapangasawa ang estado ng kanilang buhay at kung anong klase ng pamumuhay ang kaya nilang ibigay sa kanilang magiging kabiyak, partikular ito lalo na sa mga kalalakihan. 

Hindi naman lahat ng mga babae ay kayamanan ang habol ngunit nagkalat rin ang karamihan ng mga babaeng nagnanais makabingwit ng ika nga nila'y malaking isda upang magkaroon ng mas maginhawang buhay. 


Mahirap na nga ngayon ang makahanap ng taong tiyak na makakatuwang sa hirap at ginhawa, kaya naman payo ng isang lalaki na happily married na ngayon ay humanap ng taong mamahalin ka kahit na wala ka pang maiaalok na kahit ano. 

Viral ngayon ang isang post ng fitness trainer na si Jokey Robles na tungkol sa kung paanong ang asawa nitong si Jen Ting ay minahal siya sa kabila ng lahat ng paghihirap at mga pagsubok. 




Para kay Jokey ay mas romantic ang isang love story kung magsisimula ang magkasintahan sa pinaka-ibaba at magkasamang aangat sa buhay, kagaya na lamang kung paano sila nagsimula ni Jen. Ayon rito ay 'di hamak na mas masaya makasama ang isang taong magiging saksi sa lahat ng tagumpay at hirap na dinanas ngunit nanatili sa kabila ng lahat ng pagsubok. 


Ibinahagi rin ni Jokey na ang asawa nito ay walang sawang umaangkas sa motor nito noon suot-suot ang sira at mabigat na helmet niya tuwing hinahatid at sinusundo niya ito. 

Umulan man o umaraw at sa kabila ng lahat ng problemang kinaharap nila ay hindi siya nito iniwan, bagkus ay naghintay ito na gumanda ang kanilang buhay kahit paunti-unti hanggang sa ang dating motor ay napalitan na ng sasakyan at ang dati niyang inaangkas lamang ay pinagbubuksan na niya ng pinto ng kotse ngayon. 




Naniniwala ito na mas mainam pa rin ang makahanap ng taong magtutulak sayo sa pag-abot ng mga pangarap kesa sa taong mahahanap mo kung kailan tapos mo nang gawin ang lahat. Ikinumpara niya ito sa pagkain dahil mas masarap nga naman iyong kainin kung nasubaybayan ang pagluto at paghain rito. 


Sa kasalukuyan ay masaya ito sa piling ng asawa at anak habang patuloy nilang hinaharap ang lahat-lahat nang magkakasama.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay