Magsasaka, Ipinagamit ang Kaniyang Paragos Upang Maihatid sa Mga Residente ang Ayuda
Nagkaroon ng hamon ang isang barangay sa pamamahagi ng ayuda dahil sa topograpiya ng kanilang lugar. Isang magsasaka ang nag-alok na ipagamit ang kaniyang paragos para maihatid sa mga residente ang ayuda. Hinangaan ng mga netizens ang barangay dahil sa ipinakita nilang pagkakaisa. Sa mga lugar na may hamon sa topograpiya, hindi madaling ibiyahe at ipamahagi ang mga relief goods. Mabuti na lang may mga taong handang tumulong upang mas mapadali ito.
Ito ang naging sitwasyon sa barangay ng Datal Anggas, Alabel, Sarangani Province. Ibibigay na ang pangalawang bahagi ng relief goods sa kanilang barangay sa pangunguna ni kapitan Roldan T. Salimama. Subalit sa kanilang talakayan lumabas ang isyu sa transportasyon nito patungo sa mga residente. Isang magsasaka ang tumayo at nagsabing ipahiram niya ang kaniyang paragos sa pagdala ng mga relief goods.
Namangha ang mga opisyales ng barangay sa kaniyang kabutihang loob. Nang, makita ito ng mga residente, naghiyawan sila. Natuwa sila dahil nag-iisip ng paraan ang mga pinuno upang maihatid lang ang kanilang mga relief goods. Sa inilathalang balita sa TV Patrol South Central Mindanao maraming netizens ang humanga dito.
Bukod sa kalabaw, motorsiklo naman na nilagyan ng dalawang basket ang naghatid ng ayuda sa ibang lugar. Nakakahanga ang barangay na ito. Hindi nila inaasa lahat sa gobyerno ang solusyon. Bagkus, sila na mismo ang boluntaryong nakipagtulungan base sa kanilang makakaya. Sana’y maging inspirasyon ito upang magkaroon din ng bayanihan ang ibang lugar.
Comments
Post a comment