Mayor Na, Kargador Pa! Viral ang Mayor na Ito na Namigay ng Sako-Sakong Bigas Bilang Relief Goods!




Bilang pagtugon sa kanyang mga kababayang apektado ng enhanced community quarantine, namigay ng sako-sakong bigas at mga relief goods ang mayor ng Narra, Palawan. Ngunit mas lalo pang hinangaan ng mga netizen si Mayor Gerandy Danao dahil ito pa mismo ang nagbuhat sa mga bigas na ipamimigay sa kanyang kinasasakupan.

Bilib na bilib ang netizen na si Coruna B Lyle matapos niyang ma ispatan na nagbubuhat ng bigas. Kaya naman naisipan niyang kuhanan ito ng larawan at ibahagi sa social media. Mabilis na nag-viral ang post at ngayon ay umani na ito ng mahigit 13,000 shares. Ayon kay Coruna manghang mangha ito sa kanilang mayor dahil sa kasipagan nito at pagbabanat ng katawan upang matulungan ang mga kababayan nila sa kanilang lugar.





Samantala, may malaki rin palang puso ang alkalde dahil batay sa post naman ni netizen AL Bert ay namigay rin ng maraming relief goods si Mayor Danao na sasapat rin sa isang buwang quarantine. Sobrang nagpasalamat si Albert sa kanilang natanggap na ayuda at lalong lalo na sa kanilang alkalde.

Bukod kasi sa tatlong sakong bigas, nakatanggap rin sila ng 30 delatang sardinas, 30 packs na noodles, 30 pirasong instant coffe at 6 kartong sabon. Ngunit paglilinaw ng netizen, kaya nakatanggap sila ng ganoon karaming ayuda ay dahil tatlong pamilya rin silang nagsasama sa iisang bahay. Labis na pinagpala ang Narra, Palawan ngayon dahil bumuhos ang ayuda na natanggap nila mula sa kanilang lokal na pamahalaan.

Comments

Popular posts from this blog

Nagulat Ang Bride Matapos Magpakita Ang Dating GF Ng Kanyang Mapapangasawa Sa Mismong Araw Pa Ng Kanilang Kasal

Dahil Sa Pusa, Nabunyag Ang Tinatagong Sikreto Ng Mister Sa Kanyang Misis

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito